Tuesday , December 5 2023

Among senglot todas sa panadero

PATAY ang isang 42-anyos negosyante makaraan saksakin ng panadero sa loob ng kanyang panaderya sa Maria Clara St., Sta Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Antonio Magpantay ng 1455 Maria Clara St., Sta Cruz.

Habang nakakulong na sa Manila Police District-Homicide Section ang suspek na si Dante Casuno, 22, ng Jubay Calobian, Leyte, stay-in baker ng biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, dakong 1:55 a.m nang maganap ang insidente sa loob ng bakery ng pamilya Magpantay sa nasabing lugar.

Napag-alaman, nakita ng barangay tanod na si Joel Generalo at tricycle driver na si Eljay del Rosario, na duguang tumatakbo palabas ang suspek kaya agad nilang hinabol at dinala sa barangay.

Sa panig ng suspek, idiniin niyang ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili sa pananakit ng lasing niyang amo.

Aniya, habang may kausap sa cellphone ang biktima ay nagpaalam siya para bumili ng gamot sa sakit ng ngipin.

Ngunit makaraan makipag-usap sa telepono ay pinagalitan siya ng biktima at sinabing siya ay papatayin sabay saksak sa kanya ngunit nasangga niya hanggang sila ay magpambuno.

Nang makakuha ng tiyempo ay ginantihan niya ng saksak ang kanyang amo.

Leonard Basilio

About Leonard Basilio

Check Also

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …

Panay Guimaras NGCP electricity

Sa TRO ng Korte Suprema
PANAY-GUIMARAS INTERCONNECTION NG NGCP NABALAHO

TULUYAN nang maaantala ang isa sa mga priority project ng  National Grid Corporation of the …

SMFI 397 scholar 1

SM Foundation lauds 397 college scholar-graduates  

The SM Foundation (SMFI) celebrates the feat of 397 SM scholars from class 2023, including …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *