Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mentorque Barako Fest 2026

Barako Fest ng Mentorque sa Marso na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INIHAYAG ng Mentorque ang pagbabalik ng BarakoFest, isa sa pinaka-aabangang multi-experience festivals sa Southern Luzon na gaganapin sa March 26 hanggang 28, 2026 na gaganapin sa Manila–Batangas Bypass Road sa Lipa City, sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng Batangas at ng Lipa City Government. 

Ang tatlong araw na event ay magiging daan para muling pag-isahin ang music, culture, lifestyle, at community para makabuo ng isang open air festival ground designed para sa  scale at immersive experience.


Sa unang wave ng artist announcements, pangungunahan ito ng Ben&Ben, isa sa mga pinakasikat na banda sa bansa, na kilala sa pag-akit ng napakaraming tao at paghahatid ng malalakas na live performance.

Kinompirma ng mga organizer na mas maraming artista at karanasan sa festival ang ihahayag sa mga darating na linggo.

Nakaposisyon ang BarakoFest 2026 bilang isang full spectrum festival na higit pa sa musika. Maaasahan ng mga dadalo ang isang dynamic blend ng live performances, regional flavors, automotive showcase, competitive sports, at cultural experiences, na nagpapakita ng enerhiya at pagkakakilanlan ng Batangas.
Musika na gumagalaw. Mga lasa na tumutukoy. Mga sasakyan na nakamamangha. Sports na nakae-excite at kultura na nagbubuklod.


With BarakoFest, we are building more than a concert. We are creating a large scale shared experience that brings people together through sound, movement, and culture,” anang Mentorque, ang festival’s official organizer.


The vision is to elevate the festival standard in the region while celebrating the spirit and energy of Batangas.”

Ang mga lugar ng pagdiriwang ay binuo para ma-accommodate ang maraming audience, immersive stage production, curated concessionaires, at interactive lifestyle zone, na nagpapatibay sa posisyon ng BarakoFest bilang pangunahing destinasyon ng mga kaganapan sa kalendaryo ng mga pagdiriwang sa Pilipinas.

Dala ng BarakoFest ang opisyal na tagline na ‘Feel the Energy’  na sumasalamin sa intensity, atmosphere, at collective spirit na nilalayon ng festival.

Samantala, bukas na ang mga pakikipagsosyo, mga pagkakataon na makapag-sponsor, at mga aplikasyon ng concessionaire.

Para mga tanong ukol sa partnership at sponsorship tumawag sa +63 992 408 

3576 at +63 991 940 5983

At para naman sa concessionaire tumawag sa+63 966 241 8467 at +63 916 325 9555
Puwede ring mag-email sa [email protected].

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …