Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kitkat Favia

Kitkat muling nagparetoke: ayaw ma-expire

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAPAPANGIWI kami kung paano ang ginawang proseso sa pagpapa-botox ni Kitkat Favia.

Muli ngang nagparetoke ang singer-actress at host nang makatsikahan namin ito pagkatapos ng isinagawang procedure sa kanya ng Montesa Medical Group noong Miyerkoles ng gabi.

Parang hindi man nasaktan o ininda ni Kitkat ang ginawa sa kanya, ang pagpapa-botox sa noo at pagpapalagay ng collagen sa magkabilang pisngi. Karayom pala ang ginagamit dito na iminumuwestra sa amin kung paano ginagawa.

Masaya pa kasi itong nakikipagkwentuhan sa amin habang nagdi-dinner kami sa Dulcinea.

Kaya napapangiwi kami habang nagkukuwento ang mommy ni Uno Asher na parang wala lang sa kanya at maganang-magana pang kumakain ay nagdadadaldal.

Aniya, hindi niya naramdaman ang pagpasok ng needle dahil naka-anesthesia siya. Microneedling ang tawag sa ginawang procedure sa kanya. 

Bale ba siya ang bagong endorser ng Montesa Medical Group na isinabay nga sa pagpirma ng kontrata noong Miyerkoles ang pagpaparetoke. Pag-aari ang Montessa ni Ms Anna Marie Montesa, isa ring Mrs. Universe Philippines titleholder tulad ni Kitkat.

“Magpaparetoke ako! Ayokong ma-expire kailangan lagi akong maganda kaya magpaparetoke ako, pasok bashers! Ha-hahaha! 

“Ang ganda-ganda ko. Naku lalo pa akong gaganda kasi magpaparetoke ako, pag inggit-pikit,” natatawang wika nito sa amin.

Ibinahagi naman ni Kitkat sa kanyang Facebook account ang ginanap na contract signing niya sa Montessa.

Another signed, sealed, and snatched moment for your girl at @montesamedicalgroup. Today I officially signed as the new ambassador of Montesa Medical Group and syempre hindi basta-basta — Dr. Anna Montesa herself ang gumawa sakin today!

Buena mano pagka-sign ng contract, derecho agad sa treatment room. Ayoko ma-EXPIRE mga besh. Ha-hahaha!

“Contract signing? (check emoji).

“Botox? (check emoji).

“Collagen stimulation? (check emoji).

“Freshness locked in? DOUBLE (emojis).

“Sabi ko nga, habang may bashers na gigil na gigil kakahanap ng panget angle ko… eh di lalo tayong magpaganda para mas manggigil sila. Public service na din ‘to — para may pag-usapan sila. HAHAHA!”giit pa ni Kitkat.

Nang mausisa namin kung isa ba sa rason ng pagpaparetoke ay ang pagbabalik-telebisyon. Anito, “hindi pa ma, Hindi ko pa kayang iwan si Uno. Pwede namang gumawa ng series pero ‘yung after lunch ang call time ko kasi ‘yun ang oras ng gising ni Uno. Eh hindi naman pwede na lagi rin akong magpapahintay.

“Siguro kapag okey-okey na si Uno na hindi na siya dumedede sa akin,” sambit pa ni Kitkat na aktibo sa pagbabahagi ng kanyang gatas sa mga nangangailangang baby.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …