Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Itan Rosales Margaret Diaz Warat

Itan Rosales at Margaret Diaz, kaabang-abang maiinit na lampungan sa “Warat”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang guwapitong hunk actor na si Itan Rosales na kakaibang challenge sa kanya ang ginampanang role sa pelikulang “Warat”.

Ito ay remake ng movie noon na pinagbidahan nina Jomari Yllana at Joyce Jimenez, na pinamahalaan ng award-winning director na si Joel Lamangan.

Kuwento ni Itan, “Ang role ko po sa pelikulang Warat, ako po rito si Rex (na ginampanan ni Jomari sa original na pelikula), ang leading man ni Rica na ginampanan naman po ni Margaret Diaz.

“Sobrang na-challenge ako sa mga eksenang hindi ko inaasahan na kaya ko rin po palang gawin, ‘yung mga ganoong klase ng actions.”

“Isa po ito sa pinaka-challenging na role na nagawa ko sa VMX, kasi sobrang kakaiba po ng character dito ni Rex. Hindi mo makikita sa kanya na may pinagdaanan pala siya na hindi ninyo inaasahan, kaya naging ganoon ang pag-iisip niya,” esplika pa ng aktor.

Ang Warat ay isang love story na may action at pa-sexy. Ang ibig daw sabihin ng warat ay wasak.

Pinanood ba niya ang pelikulang ito ni Jomari?

Wika ni Itan, “Yes po, pinanood ko po muna ang movie na Warat na ginampanan ni Jomari para makakuha rin po ako ng idea kung ano ba talaga ang kuwento nang naunang movie na Warat.”

Ito ang second time na nagkasama sa trabaho sina Itan at Margaret. Ang una ay isang remake movie rin titled “Balahibong Pusa” na originally ay pinagbidahan noon nina Joyce Jimenez, Jay Manalo, at Rica Peralejo.

Ano ang masasabi niya kay Margaret? “Si Margaret, magaan po siyang katrabaho at mahusay pong umarte. Para bang hindi bago sa showbiz ang atake niya, dahil kaya niyang sumabay sa mga eksenang mabibigat.”

Paano niya ide-describe ang love scene nila ni Margaret?

Tugon ni Itan, “Mainit po ang aming love scene ni Margaret… kaabang-abang talaga ang ipakikita namin dito at sobrang exciting po. Kaya abangan po ninyo ang pelikulang Warat na ipalalabas sa VMX app.”

Tampok din sa Warat sina Christy Imperial, Marco Gomez, Elmo Elarmo, Jr. at iba pa. Handog ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, ito ay mula sa pamamahala ni Direk Christian Paolo Lat.

Ang pelikula ay mapapanood exclusively sa VMX PH, simula sa February 27.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Jemille Bituin Simple Lang

“Simple Lang,” debut single ng bagets na si Jemille Bituin

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG bagets na si Jemille Bituin ay isang budding singer at ang debut …

Yuki Sonoda Tony Labrusca Kelley Day

Yuki Sonoda, happy sa pagpasok ng “All About Her” sa Sinag Maynila 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Yuki Sonoda na sobrang saya niya nang nalamang ang …

Ramil Omosura

Pinoy-Canadian Idol Ramil Omosura balik recording

MATABILni John Fontanilla MULING magbabalik-recording ang Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura na ilang taon ding …

Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo nagpakilig sa kaarawan ng asawang si Maine 

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang birthday message ni Quezon City District …

Glenda Dela Cruz Ogie Diaz

Stroke survivor Miss Glenda ininterview ni Ogie Diaz, sinagot pag-uugnay kay Zaldy Co

NOONG nakaraang taon, nakikipaglaban ang skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, na mas …