Thursday , June 4 2026
MVHOA DHSUD

MVHOA members hiniling sa DHSUD bantayan ilulunsad na eleksiyon

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga miyembro ng Multinational Village Homeowners Association Inc. (MVHAI) upang hilingin kay Secretary Jose Ramon Aliling na magsagawa ang ahensiya ng isang halalan na sila ang mamumuno at mangunguna upang tuluyan nang makamit ang katahimikam at kapayapaan sa kanilang village.

Tinangka ng grupo na makakuha ng audience kay Aliling ngunit hindi sila napagbigyan bagkus ay pinayohan na magpa-schedule para sa appointment.

Bunsod nito, itinuloy sa isang kilos protesta ang isinagawa ng HOA members sa harap ng tanggapan ng DHSUD upang hikayatin ang ahensiya na magsagawa ng halalan na kanilang susubaybayan.

Ayon kay Julio Templonuevo, tumatayong pinuno ng grupo, dapat manghimasok ang DHSUD sa halalan at manindigan na gamitin ang kanilang kapangyrihan sa pagresolba ng gusot sa kanilang asosasyon.

Ipinagtataka umano ng kanilang grupo, sa kabila ng pagkakaroon nila ng conference sa pagitan ng magkabilang panig at napagkasunduan ang pagdaraos ng isang halalan ay tila naudlot ito sa isang simpleng pagkuwestiyon o apela ng isang tao.

Ayaw ni Templonuevo na bigyan ito ng kulay ngunit nakapagtataka aniya na sa loob lamang ng isang linggo ay nagawang makapaglabas ng mga kautusan ng DHSUD gayong sila ay mayroon nang matagal na sulat na isinumite pero hanggang sa kasalukuyan ay walang sagot.

Tiniyak ni Templonuevo, sa sandaling matuloy ang halalan sa pamumuno ng DHSUD at lumabas na talo ang isa man sa kanilang kandidato sa grupo ay kanila itong tatanggapin dahil sa pagkakaroon ng patas na laban.

Iginiit ni Templonuevo, panahon na upang mapakinggan ang totoong  sigaw at nais ng mayoryang miyembro ng asosasyon at hindi ang kasalukuyang nakaupo na ipinag-utos ng korte na patawan ng perpetual disqualification.

Nagbanta si Templonuevo na kung hindi sila papansinin ng DHSUD ay hindi sila hihinto upang ipaglaban ang tama at ang kanilang karapatan.

Bukod dito, inamin ni Templonuevo na sumulat na sila kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.  at hinihintay na lamang ang tugon ng Pangulo. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …