Friday , June 12 2026
MTRCB

MTRCB, aprub anim na pelikula ngayong linggo ng FEB-ibig

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NGAYONG FEB-ibig, ihanda ang mga puso sa mga kuwentong puno ng pag-ibig at katatakutan matapos aprobahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipapalabas ngayong linggo.

Nangunguna sa lineup ang Filipino romantic-drama na “The Loved One,” na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Jericho Rosales at Miss Universe 2018 Catriona Gray. Rated R-13 ang pelikula para sa mga edad 13 anyos pataas.

Ikinukuwento nito ang muling pagkikita ng dating magkasintahan makalipas ang isang dekada, habang binabalikan nila ang mga alaala ng pag-ibig at lungkot na hindi kailanman nawala.

Rated R-13 din ang romantic drama na “Wuthering Heights,” isang madamdamin at masalimuot na kuwento ng pag-ibig na nakasentro sa matinding ugnayan nina Heathcliff at Catherine Earnshaw, na nangyari sa makapigil-hiningang tanawin ng Yorkshire moors.

Nakakuha rin ng R-13 ang action thriller na “Shelter” dahil sa karahasan at pagdurusa na maaaring hindi angkop sa mga batang wala pang 13 anyos. Ang pelikula’y tungkol sa isang dating British government assassin na namumuhay nang mag-isa sa baybayin ng Scotland.

Napilitan siyang harapin ang kanyang nakaraan habang pinoprotektahan ang isang batang babae mula sa ahensiyang nais siyang patahimikin.

Ang animated sports comedy na “Goat,” na co-produced ng basketball legend na si Stephen Curry, ay  nakatanggap naman ng PG (Parental Guidance) rating. Puwede itong panoorin ng edad 12 anyos at pababa basta may kasamang magulang o nakatatanda. Tampok dito ang isang kambing na si Will Harris na nangangarap maging pinakamahusay sa isang basketball-like sport na roarball.

Ang horror films na “Diabolic” at “Strangers Chapter 3” ay kapwa R-16 (Restricted-16) dahil mature at supernatural na tema, matitinding katatakutan at mga imaheng maaaring makagambala sa musmos na isipan. Para ito sa mga edad 16 anyos pataas.

Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang mahalagang papel ng Board sa paggabay sa publiko tungo sa responsableng panonood.

“Ang mga rating na ibinibigay ng Board ay para tiyakin na ang mga pelikula ay angkop sa edad ng manonood at napoprotektahan ang kabataan mula sa mga palabas na maaaring hindi naaayon sa kanilang edad,” sabi ni Sotto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Khai Flores Mantsa

Khai Flores seryoso sa kanyang acting career, tampok sa pelikulang “Mantsa”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILARAWAN ni Khai Flores na kakaiba ang pelikula nilang “Mantsa” …

Gwen Garci MILF Maui Taylor Sheree Katya Santos

Gwen Garci balik sexy role sa new movie, pasok din sa seryeng “You’re My Favorite Song”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGLALAGARI sa dalawang projects si Gwen Garci, ito ang Kapuso series na “You’re My …

BB Gandanghari Iloilo

BB Gandanghari at iba pang celebs bumisita sa Iloilo Terminal Market; Public Markets umuusbong na Tourist destination

BUKOD sa pagpapabuti ng kalagayan at karanasan ng mga nagtitinda at mamimili, nakatulong din ang …

Ellen Adarna John Lloyd Cruz Isabel Santos

Ellen mas madalas ka-bonding si JLC

I-FLEXni Jun Nardo MALABO na nga sigurong magkabalikan ang dating couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. …

Heart Evangelista John Prats Teka Lang

Heart, John naghatid ng kilig sa Teka Lang music video

I-FLEXni Jun Nardo GOOD vibes ang dating ng muling pagsasama ng former lovers na sina Heart …