NANANAWAGAN ang isang advocacy group na kung maari pagkatapos ng frontliners ay sunod bakunahan ang mga manggagawa sa turismo at food business. Ayon kay Edmund Mayormita, tagapagsalita ng Grupong Turismo, Isulong Mo, “gusto ng pamahalaan na buhayin agad ang ekonomiya, definitely tourism is the fastest way kasi isang taon nakakulong sa bahay ang mga tao and surely they want to …
Read More »Tatakbo ba si Sara?
SA programang “Kaya Mo Yan” sa DZRH noong Sabado, inudyok ni dating Tourism assistant secretary Ricky Alegre at kanyang co-host na si Lester Codog si HNP (Hugpong Ng Pagbabago) Secretary General Anthony del Rosario na mag-guest at sabihin na ano ba talaga ang totoong plano ni Mayor Sara Duterte – Carpio. Ang Hugpong Ng Pagbabago ang official political party ni …
Read More »Financial capacity ng DITO kinuwestiyon ni Hontiveros
KINUWESTIYON ni Senadora Risa Hontiveros ang pinansiyal na kapasidad ng DITO Telecommunity Corporation na makapag-operate bilang third telco player sa bansa sa harap ng mga ulat ng malaking pagkakautang nito. Ayon kay Hontiveros, dapat silipin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pinansiyal na kapasidad ng DITO na ipagkaloob ang serbisyong iaalok nito sa publiko. “National Telecommunications Commission should also look …
Read More »Monopolyo ng Planet cable ni Villar sa Cerritos Heights pinatutuldukan
UMAPELA ang mga residente ng Cerritos Heights, sa pamamagitan ng Cerritos Heights Homeowners Association Inc. (CHHAI), para sa instalasyon ng fiber internet at landline facility sa kanilang subdivision sa Molino 4, Bacoor City, Cavite. Sa isang petisyon, inireklamo at ikuwestiyon ng mga residente sa Cerritos Heights Phases 1 at 2, Cerritos Terraces, at Cerritos Hills Phases 1, 2, at 3, …
Read More »Resto sa SM City Cebu tinupok ng apoy
NAPINSALA ng sunog ang bahagi ng SM City Cebu sa Brgy. Mabolo, lungsod ng Cebu, pasado 1:00 p nitong Sabado, 27 Pebrero. Sa pahayag ng Cebu City Fire Department (CCFD), dakong 1:16 pm nang makatanggap sila ng alarma kaugnay sa sunog na sumiklab sa isang restawran sa ikatlong palapg ng mall. Ayon kay FO2 Fulbert Navarro, kontrolado ang apoy dakong …
Read More »Bangkay ng babae natagpuan sa Cagayan
NATAGPUAN sa magubat at mataas na bahagi ng Brgy. Casagan, sa bayan ng Sta. Ana, lalawigan ng Cagayan, ang naaagnas na katawan ng isang hindi kilalang babae nitong Biyernes, 26 Pebrero. Ayon sa pulisya, nakasuot ang babae ng maong na pantalon at kulay rosas na kamisetang may nakaimprentang mga salitang “We make change work for women” na natagpaun dakong 11:00 …
Read More »Kapitan ng barangay sa Capiz itinumba sa Iloilo
PATAY ang isang 49-anyos kapitan ng barangay sa bayan ng Tapaz, sa lalawigan ng Capiz nang pagbabarilin sa bayan ng Calinog, lalawigan ng Iloilo nitong Linggo, 28 Pebrero. Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Julie Catamin, kapitan ng Brgy. Roosevelt, sa bayan ng Tapaz, Capiz. Ayon kay P/Capt. Genesis Roque, hepe ng Calinog police, sakay ng kanyang motorsiklo si …
Read More »Silang-Batangas expressway malapit nang buksan
MALAKING ginhawa sa mga motorista kapag nabuksan ang higit sa 41 km east-west road expressway sa 3rd quarter mula Silang hanggang Batangas ngayong taon 2021. Nagsagawa ng final inspection si Secretary Mark Villar sa portion ng Amadeo section sa Cavite na may tatlong kilometrong bahagi ng 41.67 kms na nakatakdang buksan sa mga motorista sa susunod na buwan. Habang ang …
Read More »Hontiveros sa NSC: Security audit sa China-owned Dito telco isagawa agad
HINILING kahapon ni Senadora Risa Hontiveros sa National Security Council (NSC) na agad magsagawa ng security audit sa China-owned Dito Telecommunity Corporation bago ang commercial rollout nito sa 8 Marso 2021. “Hindi pa nareresolba ang mga pangamba natin sa Dito telco. Habang patuloy ang pambu-bully ng Tsina sa West Philippine Sea sa gitna ng pandemya, nag-roll out naman tayo ng …
Read More »Suspendidong pulis dinukot sa Maynila
INIIMBESTIGAHAN ng Manila Police District (MPD) ang insidente ng pagdukot sa isang suspendidong pulis sa Sta. Mesa, Maynila. Kinilala ang biktima na si Patrolman Real Lopez Tesoro, 41 anyos, dating nakatalaga sa MPD Station 7 Tayuman PCP, at residente sa Alley St., Brgy. 601 Sta Mesa, Manyila. Sa report, nangyari ang pagdukot 10:05 am sa V. Mapa Extension Brgy. 601 …
Read More »Nawawalang DSWD employee natagpuang patay sa Bulacan
WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng 30-anyos empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nakasilid sa isang sakong inabandona sa isang talahiban sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, noong Linggo, 21 Pebrero. Kinilala n P/Col. Julius Alvaro, hepe ng SJDM city police, ang labi ng biktimang si Justine Charles Accad III, …
Read More »Tattoo artist timbog sa drug bust sa Benguet State U
NADAKIP ang isang tattoo artist sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa loob ng Benguet State University (BSU) campus sa bayan ng La Trinidad, lalawigan ng Benguet, nitong Lunes, 22 Pebrero. Kinilala ang suspek na si Christian Gray Cuña, alyas Ischan,tubong lungsod ng Calamba, sa lalawigan ng Laguna. Nakuha ng pulisya mula sa suspek ang isang sachet na …
Read More »Tanod sa Quezon timbog sa ‘hot gun’
ARESTADO ang isang barangay tanod sa bayan ng Sariaya, lalawigan ng Quezon dahil sa ilegal na pag-iingat ng baril, nitong Lunes ng gabi, 22 Pebrero. Nasukol ng pulisya ang suspek na kinilalang si Alexander Cabula, 49 anyos, tanod ng Brgy. Bignay I, sa naturang bayan, dahil sa pagdadala ng hindi dokumentadong kalibre .45 pistol dakong 8:30 pm kamakalawa. Nabatid na …
Read More »Ilegal na ‘Run, Sara, Run’ tarpaulin sa Cebu ipinatatanggal
IPINAG-UTOS ng isang opisyal ng lungsod ng Cebu ang pagtatanggal ng mga tarpaulin na ikinabit sa ilang mga kalye at kalsada sa siyudad na nag-uudyok kay Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo bilang pangulo. Ayon kay Florante Catalan, hepe ng Cebu City Office of the Building, walang natanggap ang kanilang opisina na anomang aplikasyong nagpapaalam na magkabit ng streamer …
Read More »Hilera ng motorsiklo sa Recto inararo ng jeepney 8 sugatan
SUGATAN ang walo katao nang ararohin ng pampasaherong jeepney ang mga nakahintong motorsiklo sa Recto Avenue corner Masangkay St., sa Binondo, Maynila nitong Lunes. Kabilang sa sugatan ang rider na si Jabilar Candidato, 25 anyos; Brian Figueroa, 42; at kanyang backride na si Jeremy Ablao, 21. Sa kuha ng CCTV, kita ang pagsalpok ng jeepney, ay plakang PXY 513, minamaneho …
Read More »Isko handa nang magpabakuna ng Sinovac
HANDA nang magpaturok si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng bakunang Sinovac, ng Beijing-based biopharmaceutical company. Kasunod ito nang pag-aproba ng Food and Drug Administration (FDA) sa Emergency Use Authorization o EUA ng naturang bakuna. Agad nagpatawag ng pagpupulong ang alkalde kasama ang buong Manila City Council (MCC) sa pangunguna ni Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan upang ihayag …
Read More »‘Red tide’ kumulay sa dagat ng Ozamiz
NANGAMBA ang mga residenteng naninirahan sa baybayin ng mga barangay ng Triunfo at San Roque, sa lungsod ng Ozamiz, lalawigan ng Misamis Occidental, nang makita nilang nagkulay pula ang dagat sa kanilang lugar nitong Linggo ng hapon, 21 Pebrero. Nagmistulang kulay dugo ang bahagi ng dagat, at ang kulay ay hindi pa rin nawawala hanggang araw ng Lunes, 22 Pebrero. …
Read More »‘Aleng Pulis’ nawawala sa Cagayan
PINAGHAHANAP ng kaniyang mga kabaro ang isang babaeng pulis na nakatalaga sa bayan ng Lasam, lalawigan ng Cagayan, na naiulat na nawawala simula noong Huwebes, 18 Pebrero. Kinilala ang nawawalang kagawad ng pulisya na si P/MSgt. Jovelyn Camangeg, 40 anyos, residente sa Centro 2, ng naturang bayan. Ayon kay P/Lt. Col. Amdree Abella, tagapagsalita ng Police Regional Office 2, iniulat …
Read More »1,000 manok ninakaw sa poultry farm sa Pangasinan
HINDI bababa sa 1,000 manok na tinatayang nagkakahalaga ng P500,000 ang ninakaw mula sa poultry farm sa Brgy. La Paz, sa bayan ng Villasis, lalawigan ng Pangasinan, nitong Linggo, 21 Pebrero. Itinuturing na ‘persons of interest’ ang limang dating empleyado ng manukan sa kaso ng pagnanakaw. Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office information officer P/Maj. Arturo Melchor II, ipinaalam ng …
Read More »Hontiveros sa NBI: Travel agencies na sangkot sa bagong ‘pastillas’ scheme tukuyin
INUTUSAN ni Senator Risa Hontiveros ang National Bureau of Investigation (NBI) na tukuyin ang mga travel agency na hinihinalang sangkot sa bagong ‘pastillas’ scheme sa Bureau of Immigration (BI) na nagpapahintulot makapasok nang walang kahirap-hirap ang mga Chinese nationals sa bansa kapalit ng pera. Ani Hontiveros, matagal nang kasabwat ang mga travel agency sa korupsiyon sa BI sa pagpapahintulot ng …
Read More »Reklamo vs Dito pinaiimbestigahan sa kongreso
HINILING ng isang kongresista na miyembro ng tinaguriang “Balik saTamang Serbisyo bloc” ang pag-iimbestiga sa dumaraming reklamo laban sa Dito Telecommunity Corp. Ayon kay dating Deputy Speaker at Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, hindi maaaring magpikit-mata ang Kamara sa umano’y hindi matapos-tapos na sumbong at akusasyong paglabag sa batas, kasama na ang paglabag sa karapatan ng ilang homeowners’ association …
Read More »Reforestation susi upang pagbaha sa kagubatan maiwasan — Poe
NANAWAGAN si Senador Grace Poe para sa pagsusuri ng National Greening Program (NGP) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kabiguang pigilan ang pag-urong ng takip ng kagubatan sa mga bundok ng Sierra Madre at Cordillera na naging sanhi ng matinding pagbaha sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela. Kahit ang Cagayan ay madaling kapitan ng bagyo, at …
Read More »Pulis patay, 4 sugatan sa Isabela (4 sasakyan nagkarambola)
NAMATAY ang isang pulis, habang sugatan ang apat niyang kasamahan nang sumabog ang gulong ng sinasakyan nilang police mobile at ararohin ang tatlong iba pang sasakyan sa Brgy. Sinsayon, lungsod ng Santiago, lalawigan ng Isabela, nitong Sabado ng hapon, 20 Pebrero. Kinilala ang namatay na biktimang si Patrolman Archelle Duldulao na tumilapon mula sa kanilang sasakyan at nasagasaan ng paparating …
Read More »Tandag river umapaw kabahayan binaha (Sa Surigao del Sur)
SA GITNA ng pananalasa ng bagyong Auring, umapaw ang Tandag River na umaagos sa kahabaan ng lungsod, sa lalawigan ng Surigao del Sur, na naging sanhi ng matinding pagbahang nagpalubog sa daan-daang kabahayan nitong Linggo ng madaling araw hanggang hapon, 21 Pebrero. Umabot sa taas na hanggang leeg ng tao ang baha sa mabababang lugar dahilan upang magsilikas ang mga …
Read More »Kasong kriminal vs MVP, Meralco (Dahil sa ‘bills shock’)
MALALAGAY sa hot water ang matataas na opisyal ng Manila Electric Company (Meralco) sa oras na katigan ng Office of the City Prosecutor – Bacoor City, ang reklamong kriminal ng isang beteranong newsman kaugnay ng tinaguriang ‘bills shock’ na gumulantang sa bansa dahil sa biglaang pagtaas ng singil sa koryente habang nasa ilalim ng community quarantine ang bansa bunsod ng …
Read More »