Wednesday , October 5 2022
Imee Marcos FAMAS

Senator Imee nag-uwi ng FAMAS award

ISA na namang pabolosong weekend na puno ng nostalgia at good vibes sa pinakabagong vlogs ni Senator Imee Marcos para sa kanyang mga loyal YouTube na tiyak na kagigiliwan ng kanyang loyal supporters.

Bibigyan ng hardworking na senadora, na ang Creative Industries Bill ay batas na ngayon, ang kanyang mga tagahanga ng an all-access pass sa star-studded premiere night ng Maid In Malacañang na ginanap sa The Block, SM City North EDSA. Siguradong mag-eenjoy ang mga YouTubers sa exclusive footage ni Imee kasama sina Cesar Montano, Ruffa Guttierez, Diego Loyzaga, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, Ella Cruz, Cristine Reyes, at marami pang iba.

Ang susunod na rampa ni Imee ay sa taunang FAMAS Awards na ginawaran siya ng Exemplary Award In Public Service para sa kanyang kontribusyon sa restorasyon ng Metropolitan Theater. Bilang patron at taga-pagpalaganap ng pop culture at sining, nagsimula si Sen. Marcos sa kanyang paglalakbay bilang artista sa Met na nagbida siya sa ilang stage productions noong dekada ‘70.

Reunited din si Imee sa superstar na si Nora Aunor at kay Charo Santos na nakatrabaho niya sa Himala.

Ipinagdiriwang ng Himala, na ipinrodyus ni Imee noong 1982 sa pamamagitan ng Experimental Cinema Of The Philippines (ECP) at itinuturing na greatest Asian film of all time, ang 40th anniversary nito ngayong 2022. 

Maging bahagi ng kasiyahan at samahan si Senator Imee sa kanyang latest adventures at mag-subscribe sa  https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

About hataw tabloid

Check Also

Gene Juanich Once On This Island

Gene Juanich mapapanood sa Broadway musical na Once On This Island

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SOBRANG tuwa ng singer/songwriter na si Gene Juanich dahil bahagi siya siya sa CDC Theatre’s regional Broadway …

Jeric Gonzales

Star Up PH malaking break kay Jeric

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG malaking break ang ibinigay at suporta ng GMA sa alaga naming si Jeric …

Floyd Mayweather AQ Prime 2

Floyd Mayweather walang balak mag-artista   

COOL JOE!ni Joe Barrameda LINGID sa kaalaman ng iba ay tahimik na dumating dito sa …

Genesis Gallios

Bagong production ni Genesis Gallios inilunsad 

MA at PAni Rommel Placente NAGING matagumpay ang birthday show/dinner ng tinaguriang Queen of the …

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …