Thursday , March 23 2023
Dave Apolinario

Gideon Buthelezi tulog sa 1st round kay Pinoy prospect Dave Apolinario

IMPRESIBO ang ipinakita ni Filipino prospect Dave Apolinario nang patulugin niya sa 1st round ang dating title challenger Gideon Buthelezi nung Biyernes sa International Convention Centre sa East London, South Africa.

Ipinakita ni Apolinario (17-0, 12 KOs) sa nasabing laban na handa na siya para sa mas mataas na kompetisyon nang pabagsakin niya ang pareho niyang kaliwete ng isang ‘left cross.’      Si Buthelezi (23-6, 5 KOs) ay nanatiling nakaluhod hanggang sa mabilangan siya ng sampu.

Umakyat si Apolinario, tubong Saranggani, sa ring na may iniindang lungkot sa pagkamatay ng kanyang ina tatlong buwan na ang nakararaan.

Sa kanyang panalo ay nasungkit niya ang minor IBO flyweight title.   Si Apolinario na may bansag na ‘Doberman’ ay promoted ng Sanman Promotions,  sa pangangalaga ni Jim Claude Manangguil at iniensayo ni Ronerex Dalut.

“We knew he would KO him. It was just a matter of time,” sabi ni  Manangquil.

“We’re gonna celebrate and work on bigger things next.”

Sa panalo ni Apolinario ay tinitiyak na tataas ang kanyang rankings sa mga sanctioning bodies.  Umakyat siya sa  ring kontra Buthelezi na rated  ng WBA bilang No. 6, No. 10 sa IBF at No. 15 ng WBO sa 112 pounds. 

Ang pinakamalaking panalo ni Buthelezi ay nang magrehistro siya ng split decition laban kay Hekkie Budler noong 2011, lumaban siya sa world title sa parehong taon kay Adrian Hernandez na natalo siya via 2nd round knockout para sa WBC junior flyweight title. 

SA pagkatalo ni Buthelezi ay nasira ang  inirehistro niyang siyam na sunud-sunod na panalo simula pa noong 2015.

About hataw tabloid

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …