080522 Hataw Frontpage

Sa GenSan
6 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN 

080522 Hataw Frontpage

ANIM katao ang namatay habang pito ang sugatan sa naganap na banggaan ng tatlong sasakyan sa lungsod ng General Santos, lalawigan ng South Cotabato, nitong Huwebes, 4 Agosto.

Sa ulat ng pulisya, nagkarambola ang isang cargo truck, isang passenger van, at isang pick up, habang pare-parehong bumabagtas sa national highway sa bahagi ng Brgy. Tinagacan, sa nabanggit na lungsod pasado 3:00 pm kahapon.

Nabatid, karamihan sa mga biktima ay mga sakay ng passenger van mula sa lungsod ng Davao.