Friday , July 26 2024
Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo ang Bustos Dam, sa bayan ng Bustos, sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 7 Agosto.

Ipinahayag ng pamunuan ng dam, ang plano nilang magpawala pa ng maraming tubig kung magpapatuloy ang pagbuhos ng ulan.

Ayon sa ulat, ang spilling level ng Bustos ay nasa 17.20 metro ngunit hanggang noong Sabado, 6 Agosto, umabot ang water level nito sa 17.40 metro above sea level.

Kaugnay nito, nagpaalala ang mga awtoridad sa mga residenteng nakatira malapit sa dam na ihanda ang mga sarili sa biglaang pagtaas ng tubig-baha.

Dagdag ng mga awtoridad, ang volume ng pakakawalang tubig sa dam ay depende sa rami ng ibubuhos na ulan sa lugar. (MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Denver Chua Jolo Revilla Cavite

200 + pamilyang biktima ng sunog sa Cavite City dinalaw ni Senator Bong

DINALAW ni Senator Ramon “Bong”Revilla, Jr., ang mahigit sa 200 pamilyang nasunugan sa Brgy. 5 …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Carina ulan baha

Klase suspendido sa Metro Manila at Cavite Province

SUSPENDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite dahil sa …

072324 Hataw Frontpage

POGO ‘TODAS’ KAY BONGBONG

“EFFECTIVE today all POGOs are banned.”                Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …

Cruise Visa Waiver DOT DOJ Immigration

PH target maging tourist hub of Asia  
CRUISE VISA WAIVER INILUNSAD NG BI DOT, DOJ NAKIISA

PARA higit na palakasin ang turismo sa bansa, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang …