Monday , December 30 2024

hataw tabloid

Kambal, kuya, 1 pa nalunod sa ilog (DOA sa Bataan hospital)

HINDI nakaligtas sa pagkalunod ang 11-anyos magkapatid na kambal, ang kanilang 13-anyos na kaibigan, at ang kaedad na kaibigan sa Almacen River sa bayan ng Hermosa, lalawigan ng Bataan, nitong Martes ng hapon, 16 Marso. Sa police report na inilabas noong Martes ng gabi, kinilala ni P/Maj. Jeffrey Onde, hepe ng Hermosa police, ang mga biktimang kambal na sina AC …

Read More »

Quarry caretaker natagpuang patay sa loob ng sasakyan (Sa Negros Occidental)

MISTERYO pa rin hanggang sa kasalukuyan para sa Bago City Police Station sa lalawigan ng Negros Occidental ang pagkamatay ng isang negosyanteng tinukoy na caretaker ng quarry, binaril sa naturang lungsod nitong Martes, 16 Marso. Natagpuan ang bikti­mang kinilalang si Henie Maalat, Sr., 49 anyos, residente sa Brgy. Mandalagan, sa lungsod ng Bago, na walang buhay sa loob ng kanyang …

Read More »

Bank teller sugatan sa ‘lumusot’ na SUV (Salamin ng banko binunggo)

SUGATAN ang isang babaeng empleyado nang bumangga at dumeretso sa loob ng isang banko ang isang sport utility vehicle (SUV) na Mitsubishi Montero sa EDSA, sa lungsod ng Quezon, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), dakong 8:05 am naganap ang insidente nang mata­pa­kan ng nagmamaneho na kinilalang si Dr. Esther Peralta ang accelerator ng kanyang …

Read More »

15 sasakyan inararo ng Honda sedan 10 sugatan (Sa Maynila)

ISINUGOD sa iba’t ibang pagamutan ang sampung  indibidwal nang ararohin ng isang kotse nitong Miyerkoles ng hapon, sa Ermita, Maynila. Sa ulat, 1:30 pm nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Taft Avenue hanggang Finance Road na umabot sa 15 sasakyan at motorsiklo ang napinsala. Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Traffic Enforcement and Traffic Bureau, sinabing binalewala ng driver …

Read More »

Paghahati sa lalawigan tinanggihan ng Palaweño (Sa botong 172,304 kontra 122,223)

TINANGGIHAN ng mga residente ng lalawigan ng Palawan ang mungkahing hatiin ito sa Palawan del Norte, Palawan del Sur, at Palawan Oriental. Opisyal na inilabas ang resulta ng plebesito nitong Martes, 16 Marso. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, nabilang ng Board of Canvassers ang may kabuuang 172,304 NO votes at 122,223 YES votes, na isang munisipalidad …

Read More »

Konsehal ng Quezon, inireklamo sa kasong rape at kidnapping

rape kidnap abuse

NAHAHARAP sa bagong kaso ng kidnaping at panggagahasa ang isang konsehal ng Lopez, lalawigan ng Quezon matapos maghain ng pormal na reklamong administratibong Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, at Dishonesty and Oppression ang 18-anyos biktima sa tangga­pan ng Ombudsman. Sa pitong pahinang sinumpaang salaysay ng biktima na kinilalang alyas Sharon, direktang tinukoy si Lopez Councilor Arkie Manuel Yulde a.k.a. …

Read More »

Romblomanon kinalampag ang Sandiganbayan sa kaso ng kanilang kongresista

NANANAWAGAN ang grupo ng concerned  Romblomanon sa Sandiganbayan na lutasin ang kaso laban sa incumbent congressman ng lalawigan na si  Eleandro Jesus Madrona, nahaharap sa  graft charges sa anti-graft court. Ayon sa Romblon Alliance Against Corruption and Dynasty (RAACD) na pinamumunuan ni journalist Nick Ferrer, si  Madrona at dalawa pang ranking provincial agricultural employees ay may ilang taon nang naka-pending …

Read More »

Mahabang curfew hours ipatutupad sa Maynila

Manila

SINIMULAN nitong Lunes ng gabi ang pagpapatupad ng mas mahabang curfew hours sa lungsod ng Maynila bunsod ng patuloy na pagtaas ng aktibong kaso ng CoVid-19 hindi lamang sa lungsod kundi sa buong Metro Manila. Batay sa ipinatutupad na ordinansa sa lungsod ng Maynila, simula 8:00 pm hanggang 5:00 am ang curfew hours sa edad 16 anyos pababa habang 10:00 …

Read More »

Sinas panagutin — Calapan mayor (Sa kanyang ‘reckless behavior’ at pagiging perennial violator)

IPINAHAYAG ng alkalde ng lungsod ng Calapan, lalawigan ng Oriental Mindoro, nitong Sabado, 13 Marso, dapat managot si Philippine National Police chief P/Gen. Debold Sinas sa kanyang “reckless behavior” matapos labagin ang screening protocols habang positibo sa CoVid-19. Sinabi ni Mayor Arnan Panaligan sa thread ng isang post sa opisyal na Facebook page ng lungsod ng Calapan na bigong sumunod …

Read More »

Loan para sa tourist workers

HILING ng isang tourism group sa pamahalaan na tulungan ang mga manggagawa sa sektor ng turismo na makapag-loan sa financial institutions na walang kolateral ngayong panahon ng pandemya. Ayon kay Turismo, Isulong Mo Pres. Raissa T. Melivo, malaking tulong kung makapag-loan ang mga manggagawa sa tourism industry para sa kanilang munting kabuhayan habang lugmok pa ang turismo sa buong mundo. …

Read More »

P50-B supplemental fund para sa retiradong sundalo — Yap

MAGHAHAIN ngayong araw ng P50 bilyong supplemental fund para sa mga retiradong sundalo si ACT-CIS representative at House Appropriations Committee chairman Cong. Eric Yap. “Ito po ang ipapalit natin sa nawawalang retirement fund ng mga sundalo na pinagtatanggal noon pang 2018 na ngayon lang nabunyag,” ayon kay Cong. Yap. Sa panayam kamakailan ng media, sinabi ni Yap, bagamat 2019 siya …

Read More »

Taytay bilang Bike City

TAYTAY, Rizal – Agresibong isinusulong ng lokal na pamahalaan ang paghulma ng bayang higit na kilala bilang Garments Capital upang maging isang ganap na Bike City. At upang paigtingin ang kanilang programang naglalayong himukin ang lahat na makibahagi sa eco-friendly at cost-efficient na transportasyon, nagpamahagi ang Taytay local government ng daan-daang mountain bikes para sa kanilang mga residenteng bumibiyahe araw-araw …

Read More »

Lockdown sa Maynila posible — Mayor Isko

“POSIBLENG i-shutdown ko ang Maynila.” Ito ang pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang “The Mayor’s Address to the City of Manila” nitong araw ng Linggo sa kanyang social media account. “Kung nakikita ko na nagpapabaya tayo at kinakailangang ihinto ko ang pag-inog ng Maynila gagawin ko po ‘yun. Mapangalagaan ko lang ang kaligtasan ng bawat isa …

Read More »

Prankisa ng Dito inaprobahan sa Senado

INAPROBAHAN ng komite ng Senado na nakatutuok sa serbisyong publiko na pinamumunuan ni Senator Grace Poe, ang pagre-renew ng prankisa ng Dito Telecommunity sa loob ng 25 taon. Ang Dito Telecommunity, ikatlong manlalaro ng telco, ay nagtataglay ng prankisa sa kongreso sa pamamagitan ng Mindanao Islamic Telephone Company (ngayon ay Dito) na mag-e-expire noong 2023. Sinabi ni Senador Poe, ang …

Read More »

Pekeng dentista tiklo sa Isabela

arrest posas

NAKORNER ang isang 21-anyos dental technician sa bayan ng Ramon, lalawigan ng Isabela sa isang entrapment operation nitong Martes, 9 Marso, matapos magpang­gap na isang dentista upang mahikayat ang kanyang mga kliyente sa mas murang ustiso at mga retainer. Kinilala ang suspek na si Jolly Mae Soriano, 21 anyos, huli saktong tumatanggap ng marked money mula sa undercover agent na …

Read More »

Achieve cleaner indoor air with Sharp’s Plasmacluster Ion and unique Airflow Technology

Having good indoor air quality is an important part of living in a healthy home. Lacking it can bring two common health problems to your family: allergy and asthma. Not to mention, more people now prioritize on cleaner air because of the airborne viruses which may harm our family. With this in mind, Sharp Corporation and Associate Professor Masashi Yamakawa …

Read More »

Calbayog mayor, 2 police escorts patay sa ambush

HINDI nakaligtas sa pana­nam­bang ng armadong kalalakihan ang alkalde ng Calbayog City, sa lalawigan ng Samar, at ang kanyang dalawang police escort nitong Lunes ng hapon, 8 Marso, sa Laboyao Bridge, Brgy. Lonoy, sa nabanggit na lungsod. Sinabi ni P/Lt. Col. Bella Rentuaya, tagapag­salita ng PRO-VII PNP, natanggap nila ang pau­nang ulat na  napaslang si Mayor Ronald Aquino at ang …

Read More »

Health protocols higpitan — Isko

PINAHIHIGPITAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagpapatu­pad ng health protocols sa kalsada at mga barangay. Kasunod ito ng ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domago­so kasama si MPD Director P/BGen. Leo Francisco at mga station commander na ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatu­pad ng health protocols upang matigil ang tumataas na bilang …

Read More »

5 e-buses papasada sa Maynila

MAY bagong electric buses ang lungsod ng Maynila na pansamantalang libreng magagamit ng mga pasahero sa lungsod. Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang paglulunsad ng COMET minibus kasama ni Global Electric Transport (GET) Philippines Chief Executive Officer Freddie Tinga. Biyaheng Taft Avenue hanggang SM North EDSA ang inisyal na ruta ng 5 e-bus, na pinasinayaan nitong umaga …

Read More »

‘Express swab test’ modus sa Maynila pinaiimbestigahan

Covid-19 Swab test

IPINABUBUSISI ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang operasyon na nag-aalok g mahal ngunit pekeng CoVid-19 swab test sa Maynila na nais umuwi sa kanilang lalawigan. Ayon kay Mayor Isko, iniharap sa kanya ang dalawang suspek na nagpanggap na taga-city hall upang mambiktima ng mga Badjao, at pinagbabayad ng P1,000 kada swab test. Halos 100 pekeng swab test …

Read More »

P16-M ‘damo’ nasamsam sa buy bust 2 HVT drug dealers timbog sa Isabela

marijuana

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang tulak ng ipinagbabawal na gamot na hinihinalang high-value targets (HVTs) at nasamsam ang P16-milyong halaga ng mga bloke-blokeng marijuana, sa bayan ng Quezon, lalawigan ng Isabela, nitong Sabado, 6 Marso. Kinilala ni P/Col. James Cipriano, direktor ng Isabela PPO, ang mga nadakip na suspek na sina Anwar Sindatoc, 54 anyos, ng lungsod ng Las …

Read More »

P7-M ‘bato’ natiklo sa delivery boy sa Cebu

shabu drug arrest

NASAMSAM ang isang kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkaka­halaga ng P7,000,000 mula sa isang 36-anyos boy sa Brgy. Ermita, sa lungsod ng Cebu, nitong Sabado, 6 Marso. Kinilala ang suspek na si Carlo Magno Tude, nadakip sa ikinasang buy bust operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Cebu City Police Office (CCPO) pasado hatinggabi kama­lawa. Nabatid ng pulisya …

Read More »

Preso nabaril sa dibdib tigbak bagitong parak sa hoyo bumagsak

dead prison

HINDI lang dinis­armahan kundi tuluyang ipiniit ang isang bagong pulis sa lalawigan ng Aurora matapos mabaril at mapatay ang isang PDL (person deprived of liberty) nitong Sabado ng gabi, 6 Marso. Ipinag-utos ni P/Col. Julius Lizardo, hepe ng Aurora PPO, na isailalim si Pat. Christian Torres, 27 anyos, sa restrictive custody sa himpilan ng pulisya ng bayan ng San Luis …

Read More »