Friday , June 2 2023
shot from a handgun with fire and smoke

ex-vice mayor ng Lobo, Batangas binoga sa debut

TODAS sa bala ng boga ang dating bise alkalde matapos barilin habang nagbibigay ng kanyang pagbati sa isang debut party nitong Huwebes, 11 Agosto sa Sitio Cupang, Brgy. Tayuman, sa bayan ng Lobo, lalawigan ng Batangas.

Kinilala ni P/Capt. Roy Cuevas, hepe ng Lobo MPS, ang biktimang si Romeo Sulit, 61 anyos, bise alkalde ng bayan ng Lobo mula 1998 hanggang 2010, at kasalukuyang nagsisilbing kalihim ng Sangguniang Bayan.

Ayon sa ulat, nagbibigay ang biktima ng kanyang pagbati sa isang debut party dakong 8:00 pm nang lapitan ng isang lalaki na siyang bumaril sa kanyang ulo.

Ayon sa mga testigo, nakasuot ng berdeng jacket, itim na short pants, at sombrero ang gunman na agad tumakas matapos maisagawa ang krimen.

Namatay si Sulit habang nilalapatan ng lunas sa District Hospital.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ng Lobo upang matukoy ang motibo sa likod ng pamamaslang.

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …