Saturday , June 22 2024
Janella Salvador Valentina Darna

Janella natakot, sobrang na-challenge sa pagiging Valentina

ISA pa sa inaabangan sa Mars Ravelo’s Darna ay si Valentina. Kaya naman aminado ang gaganap na Valentina na si 

Janella Salvador natakot siya nang ialok ang role na iyon sa kanya. 

Ayon kay Janella sa isinagawang media conference na sobra-sobra ang challenges na hinarap niya para mabigyan ng hustisya ang iconic character ni Valentina kasabay ng ginawa niyang preparasyon para rito.

Pinaghandaan ko talaga siya. It’s one of the most challenging roles I’ve ever had to portray, kasi nga napaka-complicated niya,” ani Janella.

Noong una, I was a bit scared kasi nga kakapanganak ko pa lang, ang tagal ko nang hindi umaarte, pero pinaghandaan ko talaga siya and I gave my 100 percent.”

Mahirap man, nasabi ni Janella na perfect comeback ang pagganap na Valentina.

After giving birth, I was been hoping and praying na sabi ko ‘Ano kaya ang magiging comeback and big break. And ito nga biglang nag-rise ang opportunity na ‘to, so, I took it,” sambit pa ni Janella.

Naisip ito ni Janella sanhi na rin ng mga naririnig niya sa paligid simula nang mahka-anak siya. 

“Well the people around me were obviously afraid for me, and maraming nag-plant ng ganoon sa utak ko na, ‘baka ‘di ka na makabalik. Nanay ka na.’ But ako kasi, firm believer ako na you can do whatever you want to do, even if you’re a mom. It doesn’t matter naman. Kaya mo pa rin naman gawin as long as, gugustuhin mo so I was determined talaga,” giit ni Janella.

About hataw tabloid

Check Also

Rhen Escano

Karma ni Rhen pang Hollywood-level

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Rhen Escano na sobra siyang nahirapan sa paggawa ng action film, ang …

CC6 Music Fest 2024

CC6 Music Fest 2024 aarangkada kasama ang Rocksteddy at Mayonnaise

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAKIPAG-RAKRAKAN, kantahan, at sayawan sa June29, 2024 kasama ang ilang …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Marian Rivera Balota

Marian intense ang aktingan sa Cinemalaya entry  

RATED Rni Rommel Gonzales SIGURADONG kakaibang Marian Rivera ang mapapanood sa Cinemalaya entry na  Balota. Makikita sa isang BTS photo …