Saturday , September 24 2022
Darna

#Darna top trending, tinutukan at pinuri

PINURI at tinutukan ang pagsisimula ng bagong Pinay superhero sa Mars Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane De Leon.

Nakakuha ng 296,334 live concurrent viewers ng unang episode sa Kapamilya Online Live sa YouTube, ang Darna na ipinakilala ang karakter ni Jane na si Narda Custodio, ang nanay niyang si Leonor (Iza Calzado), kapatid na si Ding (Zaijian Jaranilla), at Lola Berta (Rio Locsin).

Nabigyang-linaw sa episode kung paano napunta sa Earth ang unang Darna na si Leonor mula sa planeta niyang Marte, at ipinakita rin ang kapasidad niya bilang Darna habang kinakalaban ang isang alien na umatake sa kanilang bayan.

Nalaman na rin ni Narda ang pagiging superhero ni Leonor at ang tadhana niya bilang susunod na protektor ng mahiwagang bato. Samantala, napanood din ang isang eksena na may misteryosong babaeng karakter na tila nalason ng elemento mula sa alien na nilalang, na inilalarawan kung paano magiging babaeng ahas na si Valentina ang karakter ni Janella Salvador na si Regina.

Bukod kina Jane, Zaijian, Janella, Rio, at Iza, ipinakilala na rin si Joshua Garcia sa unang episode bilang Brian Robles, isang kaibigan ni Narda na sinubukan niyang iligtas mula sa mga bully.

Nanguna sa Twitter trend list worldwide at sa Pilipinas ang hashtag #Darna. Marami rin ang pumuri sa visual effects, fight scenes, at naki-iinspire na mensahe ng serye.

Ang Mars Ravelo’s Darna ay idinirehe nina Master Director Chito S. Roño, Avel Sunpongco, at Benedict Miqueat ipinrodyus ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN.

About hataw tabloid

Check Also

Editor at kolumnista ng Hataw bibigyang parangal sa 3rd Asian Business Excellence Awards 2022 

MATABILni John Fontanilla BIBIGYANG-PARANGAL ng Asian Business Excellence Awards ang ilang natatanging indibidwal mula sa iba’t ibang …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Janice de Belen Inah Estrada Jake Vargas

Janice sa isyung buntis ang anak — Mahirap itago iyan dahil sa socmed

DEADMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …