Monday , May 20 2024

Ed de Leon

Sexy male star, ‘nagbibiyahe’ raw ng party drugs

blind item

EWAN kung bakit may mga taong sobrang malakas talaga ang loob. Isang datingsexy male star daw ang “bumabiyahe” ng mga party drugs kagaya ng ecstasy diyan sa Pampanga. Madalas daw iyong makita na kasama ang ilang mga nagtatrabaho sa mga disco at night clubs doon na siguro ay siya nga niyang pinapasahan ng mga droga. Karamihan daw ng pinagpapasahan ay …

Read More »

Dating male star kumabit naman sa Japayuki

blind mystery man

HINDI rin naman pala nagbago ang dating male star na tinorotot na nga ng asawa. Hanggang ngayon ganoon pa rin ang buhay. Kumabit naman siya sa isang Japayuki para may magsustento sa kanya. Talagang medyo tamad siyang humanap ng trabaho. Ang katuwiran siguro niya rati siyang artista. Pero paano nga ba titino ang kanyang buhay kung lagi na lang siyang …

Read More »

ABS-CBN, ‘di totoong tagilid na

abs cbn

HINDI naman kami naniniwala na talagang tagilid na ang ABS-CBN dahil sa naging pahayag ni President Digong Duterte sa isang interview sa kanya na inilabas sa isang blog. Doon sa nasabing interview, sinabi ni President Digong na hindi raw naging parehas sa kanya ang ABS-CBN. May nasabi pa siyang kung gusto ka raw siraan, masisiraan ka nila. Na inayunan namang …

Read More »

Imagine You & Me, magsisilbing acid test kina Maine at Alden

DOON sa text message ng kaibigan naming si Jun Nardo, tinawag niyang “hottest love team today” iyong AlDub. Sinabi rin niyang ang pelikula nila ay ang “biggest love movie today”. Ganyan naman ang sinasabi ng lahat eh, pero sa palagay namin iyang pelikulang iyan ang siyang magiging acid test, para malaman natin kung talaga nga bang tama ang lahat ng …

Read More »

MMFF, mag-klik pa kaya ‘pag ginawang artistic festival?’

INAASAHAN nila ang malaking pagbabago raw sa MMFF, kasi sinasabi na ngayon na ang kanilang primary consideration ay hindi na ang commercial viability ng isang pelikula. Hindi kagaya noon na ang isa sa mga primary consideration, dahil iyan nga ay isang trade festival, ay kung kikita ba ang pelikula o hindi. Sa kabila noong dati nilang pagbibigay priority sa mga …

Read More »

Rave party, sinugod ng JaDine fans

HINDI raw nagtagal iyong concert-rave party noong isang gabi sa MOA. Ang nagkuwento naman sa amin ay iyong mga pulis mula sa Pasay City. Marami raw taong nanood. Kasi bukod doon sa mga international artists, kasama rin doon sina James Reid at Nadine Lustre. Eh iyon lang JaDine, simpleng meet and greet lang dahil doon sa libro nilang Team Real, …

Read More »

Laban nina Baron at Kiko, for entertainment lang

“HARANG,” ang inis na inis na sabi ng isa naming kaibigan nang makita namin sa isang coffee shop matapos na manood ng laban o gimmick ba, nina Baron Geisler at Kiko Matos sa isang night club sa Taguig. Nauna roon, niyayaya niya kaming sumama para manood, pero wala kaming interes. Sinabi namin sa kanya na entertainment lang iyon. Matatapos iyon …

Read More »

Team Real ng Jadine, maihahanay na bilang best sellers

HINDI naman daw masasabing nasa kanilang librong Team Real ang lahat ng mga bagay tungkol sa pinakamainit na love team ngayon, sina James Reid at Nadine Lustre, pero ang sabi nga nila ay ”almost all”. Sa libro, na sa totoo lang ay hindi pa namin nabubuklat ang kopya, sinabi nilang naroroon na ang lahat ng mga bagay na gustong malaman …

Read More »

Male model, tatlo ang video scandal

blind mystery man

PINAG-UUSAPAN nila ang isang male model. Sabi nila, kung totoo nga iyong mga picture na naka-post sa isang gossip site na may isa siyang scandal na suot niya ay underwear na kulay dilaw, ibig sabihin hindi lang dalawa kundi tatlo ang kanyang video scandal. Kasi iyong unang lumabas parang black ang suot niya. Roon sa isa black din naman pero …

Read More »

Goma, na-enjoy ang bakasyon-abroad

MUKHANG aliw na aliw si Richard Gomez. Kasama niya ang kanyang asawang si Congresswoman Lucy Torres Gomez at ang kanilang anak na si Juliana sa abroad para sa isang bakasyon. Nasabay naman kasi iyon sa isang show para sa Philippine independence day na kasama siya. Naroroon na rin lang siya, eh ‘di mas mabuti ngang isama na niya ang kanyang …

Read More »

Kristine hermosa, ‘di hinahabol ng Dos

HINDI naman talaga maikakaila na iyang si Kristine Hermosa ay nagsimula at nagkaroon ng pangalan dahil sa ABS-CBN. Noong naroon siya, isa naman siya sa naging paboritong star ng network. Kabi-kabila rin ang kanyang assignments noon. Pero dumating ang panahon na siguro nga nagsawa na rin siya, o baka naman wala ng bagong idea ang mga taga-network para ipagawa sa …

Read More »

Dating male star, wala nang kabuhayan

blind mystery man

MINSAN, kawawa naman talaga ang nagiging buhay ng mga artista lalo na at wala na talaga silang career. May nagkuwento sa amin tungkol sa isang dating male star na nakalabas noon sa isang pelikula sa isang major film company at naging leading man pa ng isang top sexy female star, na ngayon nga raw ay walang kayod, walang kabuhayan, at …

Read More »

Mr. Model, madalas sa bahay ng gay comedian

blind item

HINDI maingat iyang si “Mr. Model”, sabi sa amin ng isang broadcast journalist. Kasi nagpapakuha pa siya ng pictures habang dumadalaw sa bahay ng isang gay comedian at payag pa siyang mailabas ang mga picture na iyon sa social media. Hindi na kasi in demand si model ngayon, at natural lang na humanap siya ng sideline. Nagsa-sideline nga siya sa …

Read More »

Aktor, ‘boytoy’ ng isang retired Japayuki

KEPT man, o sa madaling salita “boytoy” ng isang retired Japayuki, na tumigil na matapos na maanakan at sinustentuhan na lang ng asawa niyang Japanese, ang isang dating male star. Wala raw kasing makuhang trabaho ang male star. “May katamaran naman kasi,” sabi ng iba niyang kakilala. Ngayon, binubuhay na nga lang siya ng kanyang girlfriend, na umaasa naman sa …

Read More »

Sharon, excited kay Gabby

NAPANSIN lang namin ito. Kung noong una ay talagang sinasabi ni Gabby Concepcion na gusto niyang “mapagbigyan” ang fans nila ni Sharon Cuneta na sila ay muling magkatambal sa isang pelikula, at sinasabi nga ng mga kritiko na kailangan ang tambalan nila para makabawi si Gabby matapos ang 13 taon niyang pagkawala sa showbusiness. Ngayon parang iba na ang ihip …

Read More »

Baby nina James at Michaella, lalabas na

HINDI lang happy, makikita mo ang excitement kay James Yap ngayong malapit nang manganak ang kanyang girlfriend na si Michaella Cazzola. Mga five weeks na lang daw, scheduled na iyong manganak at isang baby boy ang kanyang isisilang na tatawagin nilang Michael James. Pinagsama nila ang kanilang mga pangalan. Mukhang kakaiba nga ang excitement ni James sa magiging anak niya …

Read More »

Pagkawala ni Paolo sa EB, nakabawas audience rin

NAPAG-USAPAN din nga namin sa umpukan noong isang gabi, matagal na ring wala si Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga. Ang sinasabing kasalanan niya, nawalan lang siya ng pasensiya sa isang show na nagkulang din naman ng coordination. Hindi namin siya masisi kung nagalit siya noon. Hindi siya gumawa ng isang eskandalosong video. Hindi rin naman siya lumikha ng eskandalo sa …

Read More »

Jose, ayaw gawing hanapbuhay ang panggagaya kay Duterte

HINDI naman daw gusto ni Jose Manalo iyong lagi na lang niyang gagayahin si President elect Digong Duterte. Ginagawa lang naman niya iyon sa kanilang Sunday show at dahil nga siguro sa napag-uusapan, mukhang hindi na tinigilan. Ginawa nang minsan, napansin, mukhang weekly iyon na ang ipinagagawa sa kanya. Pero maliwanag ang stand ni Jose, ayaw niyang gawing hanapbuhay ang …

Read More »

DU30 admin, ‘di benggador

SA 2020 pa matatapos ang prangkisa ng ABS-CBN. Iyang mga espekulasyon tungkol diyan sa prangkisa ng network ay may bahid ng politika. Una, naroroon ang katotohanan na nag-apply nga ang network ng renewal ng franchise rito sa natapos na kongreso, kung kailan sinasabing in power pa ang kanilang mga kaibigan sa gobyerno. Ikalawa, sinasabi ngang naging kritiko sila ng susunod …

Read More »

Mark, ‘di namintas; wheelchair, talagang kailangan

Mark Bautista

PALAGAY namin, wala namang masama sa sinabi ng singer na si Mark Bautista na kailangan sigurong magdagdag ng wheel chair ang mga ospital dahil makatutulong iyon sa mabilis na pagliligtas ng buhay. Nasabi lang naman niya iyan dahil nang isugod sa emergency room ng East Avenue Medical Center ang kanyang ama, isang government hospital, nahirapan silang makakuha ng wheel chair …

Read More »

Regal, muling susugalan si Kiray

SUWERTE si Kiray Celis dahil sa ikalawang pagkakataon ay binigyan siya ng break ng Regalna maging bidang muli roon sa I Love You to Death. Masasabing suwerte  siya dahil iyong ibang mga artista, mabigyan man ng pagkakataong maging bida, sa mga indie film lamang. Ginawa siyang bida ng Regal sa main stream movies, mga pelikulang naipalalabas sa mga sinehan at …

Read More »

Poging male star, lalaki ang hanap

PANAY daw ang date ngayon ng isang poging male star at isang maganda rin namang female star. Kung titingnan mo, lalo na sa kanilang mga social media posts, mukhang sila na nga. Pero natawa kami sa reaction ng isang sinasabing “ex” ng poging male star. Sabi niya, “hintayin lang niya na makakita iyan ulit ng isa pang pogi, ewan ko …

Read More »