Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

A Werewolf Boy unang local movie na tiyak ang box-office hit ngayong 2026

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MASUSUBUKAN ngayong araw, January 14 ang lakas ng tambalan nina Rabin Angeles at Angela Muji.

Ang kanilang A Werewolf Boy ang unang local movie na ipalalabas this 2026 after ng MMFF movies na extended until today.

Napanood namin ang pelikula at grabe ang kilig at tilian ng fans nila. Proof na ‘yung 25 million views nang unang inilabas ang teaser nito in public ay hindi fake news.

Kapwa magaling sina Angela at Rabin, pero mas bumilib kami kay Rabin sa husay niyang mag-interpret ng role bilang isang batang lobo na nagkaroon ng love encounter sa karakter ni Angela.

Ibang klase rin ang support na ibinigay ni Candy Pangilinan na kahit sa mga serious moment ay nagagawa ang mga simpleng 

humor at matatawa ka talaga.

Mahusay talaga sa cinematography at paghawak ng kamera si direk Crisanto Aquino. Napagsasalita niya ang props at background niya.

Mahusay din bilang kontrabida si Albie Casino and yes, may question pa ba kay Ms. Lorna Tolentinona may cameo appearance pero sobrang vital sa movie.

Ang feeling namin ay papatok sa fans nina Rabin at Angela ang A Werewolf Boy at ito marahil ang unang local movie na masasabing box-office hit this 2026.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Alden Richards

Dyowa target ni Alden ngayong 2026 

MATABILni John Fontanilla TARGET ng Kapuso actor na si Alden Richards ang pagkakaroon ngayong 2026 …

Joseph Marco Rhen Escaño

Rhen kinilig nang malamang crush ni Joseph 

ni Allan Sancon USAP-USAPAN ngayon  ang bagong pasabog ng Viva One matapos opisyal na ipakilala sa members ng …

Breaking The Silence cast

Breaking The Silence pelikulang bumabasag sa usaping mental health ng kabataan

ni Allan Sancon UMANI ng matinding atensyon ang pelikulang Breaking the Silence ni direk Errol Ropero dahil sa matapang …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo nanginig buong katawan, nahirapan pang mag-Ingles dahil sa lamig

IPALALABAS na sa February 4 sa mga sinehan ang Spring In Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao. Nag-shoot …

Jaime Yllana Anjo Yllana

Jaime humingi ng paumanhin ‘nasagasaan’ ng amang si Anjo

RATED Rni Rommel Gonzales VIRAL at kontrobersiyal ang mga video ni Anjo Yllana sa samo’tsaring isyu sa …