Thursday , June 4 2026
OneKo Onemig Bondoc Aiko Melendez

Daddy ni Onemig boto kay Aiko: siya lang ang kinausap

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI gagawa ng teleserye o pelikula na magkasama sina Onemig Bondoc at District 5 Councilor/Actress Aiko Melendez.

May mga offer na nga sa kanila na magsama sa pelikula at teleserye pero tinanggihan ito ng dalawa. 

Mas gusto nina Aiko at Onemig (Oneko) na sa Youtube lang sila mapapanood sa kanilang travel vlog ng kanilang mga tagahanga na magkasama.

Kuwento ni Aiko, “Hindi. May nag-offer na actually, pero tinanggihan namin kasi ayaw na munang mag-artista ni Onemig.

“Kasi mas gusto na lang namin more on Youtube, ‘yung mga content na ganoon. ‘Yun kasi ‘yung nakikita ng fans.

“Pero ‘yung gumawa pa kami ng pelikula, I don’t think so.”

Tsika naman ni Onemig na para sa kanya si Aiko na ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habambuhay.

Habang para kay Aiko, si Onemig din ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay.

Pare-pareho namang boto ang kani-kanilang partido sa relasyon ng dalawa.

Ipakilala na ni Onemig si Aiko sa kanyang family. “My dad kasi, tahimik lang ‘yun, ‘di nakikipag-usap kung kani-kanino. Pero noong iniharap ko si Aiko sa daddy ko, grabe ang smile ng daddy ko, hanggang tenga. Siya lang ‘yung girl na ipinakilala ko na talagang kinausap at kami pa ‘yung nagpaalam na, ‘Dad, kailangan na naming umalis.’”

Habang ayon naman kay Aiko, mahal na mahal ng kanyang  mommy si Onemig.

My mom loves him. Inihatid n’ya ako sa bahay noon. Sa lahat ng nanligaw sa akin, si Onemig ang natandaan n’yang mukha, suot, pati ‘yung kulay ng sombrero from the window. Hindi ko alam what’s with him bakit natandaan siya ng mommy ko,” lahad ni Aiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …