Thursday , June 4 2026
MVPO Ambert Nabus Wendell Ramos Chaye Cabal Revilla

Enrique wagas makasigaw, Wendell big hero sa MVPO Sigla

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

TAGUMPAY ang kauna-unahang MVPO Sigla All Star Basketball Game (Manny V Pangilinan Olympics) na ginanap sa Araneta Coliseum noong February 24.

Bongga ang parehong line-up ng White and Blue teams na ang huli ay under Coach Jojo Lastimosa, at nag-uwi ng kauna-unahang championship title.

Miyembro ng Blue team sina Diego Loyzaga, Joao Constancia, Wendell Ramos, Cedrick Juan, Rabin Angeles, Prince Carlos, Lance Carr, Ryan Eigenmann, CJ Ramos, habang nasa injury lists naman sina Enrique Gil at Paulo Angeles. Nagsilbing ‘cheerer’ si Enrique ng kanyang team dahil wagas ito kung makasigaw na may patayo-tayo pa at sayaw-sayaw to the delight of his fans.

May pasiklab si CJ Cansino ng Blue team na siyempre pa ay hindi naman pinaglaro dahil isa na nga itong pro player sa PBA.

Nakatatawa ang ilang players na alam mong mas piniling maging artista kaysa maging atleta. For fun lang talaga ang lahat though very impressive naman ang basketball moves ng mga gaya nina Lance, Prince, at Diego sa naturang team. 

Pero si Wendell Ramos naman ang naging big hero nang pareho nitong mai-shoot ang two free throws sa last 4 seconds ng laro kaya lumamang sila ng one point over White team, 60-59, final score.

Ang White team naman ay binubuo nina Derek Ramsay, David Licauco, Prince Clemente, Kevin Dasom, JC de Vera, Marco Gallo, Boom Labrusca, Michael Ver, Martin Venegas, at Dylan Menor, under Coach Luigi Trillo.

Magaling maglaro sina David, JC, at Kevin kaya naman grabe ang lakas ng sigawan every time makaka-iskor ang mga ito. 

Inihatid ng Metro Pacific Investments Corp, under Chaye Cabal Revilla at ng mga big boss ng Meralco at PLDT group of companies ang event na tuwang-tuwa ang biggest boss nitong si Mr Manny V. Pangilinan sa naging outcome ng kanyang SIGLA MVPO.

Bukod sa fans at ilang mga kasamahan sa media, karamihan sa mga nanood ay mga empleado at mga pamilya ng mga kompanya ni MVP.

Congratulations and more years to go!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …