Thursday , June 4 2026
Stars On The Floor Season 2

Stars On The Floor Season 2 pasabog ang pilot episode

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HATAW agad sa ratings ang pilot episode ng ikalawang season ng original dance series ng GMA Network na Stars On The Floor.

Base sa overnight NUTAM People ratings ng Nielsen Phils. noong February 15, nagtala ito ng 7.8% rating, malayo sa mga katapat nitong Your Face Sounds Familiar (2.7% combined rating sa All TV/ A2Z at Kapamilya Channel) at Vibe (0.8% rating sa TV5). 

Pasabog ang opening number ng show, tampok ang host nitong si Alden Richards at ang Dance Authority na binubuo nina Marian RiveraCoach Jay, at Rayver Cruz. 

Sey ng ilang netizen, “Ang simple ng steps pero kapag si Marian Rivera sumasayaw napaka-graceful at sobrang ganda!” 

Dagdag pa ng ilan, “Ang galing ng host galing pang sumayaw, nice one Alden.”

Samantala, ipinakilala na rin ang Celebrity Dance Stars na sina Rocco Nacino, Chanty, Sugar Mercado, at Paul Salas kasama ang mga P-Pop Dance Stars na sina Denise ng Calista, Jao ng Alamat, Jeromy ng Hori7on, Joker ng 1st.One, at Sophia ng Kaia

Sa darating na Linggo naman ay ire-reveal na ang isa pang celebrity dance star na kukompleto sa season na ito. Sino nga kaya siya? Abangan sa Stars On The Floor Season 2 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …