Everyone Knows Every Juan Netflix

Everybody Knows Juan kasama pa rin sa Top 10 ng Netflix

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NASA top ten pa rin ang Everyone Knows Every Juan sa Netflix.

Ito nga ‘yung first directorial project na pinagbidahan din ni Alessandra de Rossi na sinahugan ng mga de-kalibreng performers mula kina Joel Torre, Gina Alajar, Edu Manzano, Ronnie Lazaro, JM de Guzman, Ruby Ruiz, at Kelvin Miranda

Naging usap-usapan nga ang pagganap ng Sparkle artist at Sang’gre star Kelvin  bilang Jacob na makikita sa pelikula dahil hindi siya nagpatinag man lang sa mga award-winning 

performer na kasama sa movie.

Must watch nga ang nasabing pelikula ayon sa ilang comments ng netizens. 

Sey pa ng isa, “pramis this is a must watch movie..very relatable ‘yung story, all casts superb ang acting skills…medyo bitin lng hehe..dasurv ng sequel…Kelvin here is such a revelation…”

Samantala, abangan gabi-gabi si Kelvin bilang Adamus sa Encantadia Chronicles: Sang’gre sa GMA Prime.