Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Izzy Trazona Alvin Aragon Sunshine Garcia Alex Castro

Mga asawa nina Sexbomb Izzy at Sunshine ikinukompara

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMI pa ring netizen ang nagkukompara sa mga naging asawa nina Sexbomb Izzy Trazona at Sunshine Garcia.

Pumutok kasi ang mga usapin nang lumabas na parang kinokontrol umano ng dating aktor na si Alvin Aragon si Izzy na magbalik showbiz at maging parte nga uli ng Sexbomb concert series here and abroad soon. 

Kahit ang transman na anak ni Izzy ay nadawit na sa eskandalo lalo’t may usaping “religion” at moral values na gusto raw i-impose nina Izzy at Alvin. 

Kaya nga raw nagsariling buhay na itong si Andrei na ngayo’y Sofie na.

Kahit ang source ng kabuhayan nina Izzy at Alvin ay napag-uusapan na ngayon, in contrast sa umano’y lantad naman daw na kabuhayan nina Sunshine at asawa nitong si Alex Castro na Vice Gov. Bulacan.

Dati ring artista si Alex bago naging politiko at base sa mga lumalabas na socmed activities/updates nila, suportado nila ang career ng bawat isa. Isang bagay daw na tila wala kay Alvin, kaya sila naikukompara. 

At dahil dito hindi pa rin tumitigil ang mga hanash ng socmed netizen na para bang maraming alam sa mundo.

Sey pa ng mga ito, “Politics, religion and showbiz kasi,” kaya’t tayo na lang daw po ang mag-analyze kung bakit may mga kaganapang good PR, good brand, positive image at iba pang ginagamit para tumaas ang face values ng bawat isa.

Aguy!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …