Thursday , June 4 2026
Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABIL
ni John Fontanilla

WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & CEO ng Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz na dalawa ang naging boyfriend niyang aktor.

Sa isang interview, honest na ikinuwento ni Joel na pareho niyang minahal ang dalawang aktor na hindi pinangalanan kung sino.

Ako naman kasi kapag nagkaroon ako ng ganoong relationship, tsine-cherish ko ‘yun forever, ” ani Joel.

At kahit hiwalay na sila ng dalawang naging BF na artista ay naging maganda naman ang kanilang paghihiwalay at nananatili silang magkaibigan.

Dagdag pa nito na kasabay ng pagmamahal niya sa nagiging dyowa ang pagmamahal sa pamilya niyon.

Kahit wala na kami, minamahal ko pa rin talaga. Iba ‘yung pagmamahal ko, hanggang pamilya nila minamahal ko,” wika pa ng Lord of Scent.

Bukod sa dalawang artistang nabanggit ay may naging dyowa pa itong apat na non-showbiz.

Kahit non-showbiz boyfriends ko before, ganoon din sila until now (kaibigan).

“Kasama sila ‘pag nagta-travel kami,” sabi pa.

At sa nakalipas na interview namin kay Mr Joel ay sinabi nitong hindi na niya priority ang lovelife, mas priority niya ang mahal na mahal niyang mga anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …