Wednesday , January 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Gumabao Sara Sandeva Spring in Prague

Paolo G pa rin sa pagpapa-sexy: hangga’t may magandang offer, matinong story

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SPEAKING of Paolo Gumabao, hindi niya masasabi kung hanggang kailan siya magpapa-sexy sa movies.

Minsan na niyang nagawa ang magpakita ng ‘pag-aari’ na ipinagmalaki naman niyang pasado bilang “daks,” pero hanggang doon lang daw ‘yun.

“Pero ‘yung pagpapa-sexy o pagtanggap ng roles na need magpakita ng flesh, siguro hangga’t may magandang offer, matinong story at magaling na story at director, go pa rin ako?” wika ni Paolo.

Sa Taiwan nag-spend ng Christmas at New Year si Paolo kasama ang adopted father at lolo niya. Nag-gain siya ng weight dahil sa na-miss niya ang mga food sa Taiwan, pero nangako namang muling ibabalik ang mga pandesal sa kanyang katawan.

Sa Spring of Prague ay marami siyang masasayang experience habang ginagawa ito, pero pinaka-challenging sa kanya ‘yung mga todo-emote niya. Sa kuwento kasi ay sinundan niya mula sa Pilipinas hanggang Czech Republic ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Then sa gitna ng mga pinagdaanan ng kanilang love story ay mga eksenang todo-todo ang pag-iyak, confrontation at iba pa, habang tinitiis niya ang sobrang lamig ng spring weather. 

Nangangatal at nanginginig na ako sa lamig pero kailangang gawin ‘yung mga eksena. Pati nga si “junjun” naki-emote na sa sobrang lamig,” ang natatawa pa nitong kwento.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Alden Richards

Dyowa target ni Alden ngayong 2026 

MATABILni John Fontanilla TARGET ng Kapuso actor na si Alden Richards ang pagkakaroon ngayong 2026 …

Joseph Marco Rhen Escaño

Rhen kinilig nang malamang crush ni Joseph 

ni Allan Sancon USAP-USAPAN ngayon  ang bagong pasabog ng Viva One matapos opisyal na ipakilala sa members ng …

Breaking The Silence cast

Breaking The Silence pelikulang bumabasag sa usaping mental health ng kabataan

ni Allan Sancon UMANI ng matinding atensyon ang pelikulang Breaking the Silence ni direk Errol Ropero dahil sa matapang …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo nanginig buong katawan, nahirapan pang mag-Ingles dahil sa lamig

IPALALABAS na sa February 4 sa mga sinehan ang Spring In Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao. Nag-shoot …

Jaime Yllana Anjo Yllana

Jaime humingi ng paumanhin ‘nasagasaan’ ng amang si Anjo

RATED Rni Rommel Gonzales VIRAL at kontrobersiyal ang mga video ni Anjo Yllana sa samo’tsaring isyu sa …