PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre.
Bukod sa pagiging consistent nito sa pagsasabing “choosy” na siya pagdating sa mga film project, ramdam mo talaga na nag-level up na ang pagka-aktres ni Nadine.
‘Yung paraan ng pag-share niya ng kanyang artistry mereseng support lang ang role niya ay hindi raw nagma-matter dahil ‘yung role, story, at director daw ang kanyang ultimate consideration.
Sa MMFF entry niya this time, masaya niyang ibinalita na excited siyang gaganap na mother sa movie for the first time at makikipagbardagulan nga siya with meme Vice Ganda para sa custody ng bata.
“Very challenging. This is new for me and I feel na ready na ako sa mga ganitong role,” sey pa ni Nadine sa movie nilang Call Me Mother, na idinirehe ni Jun Lana.
Hindi man umaasa, pero marami ang nagsasabi na posible na namang mapansin ang husay ni Nadine sa movie like her last year’s performance sa Uninvited na nagbigay ng ilang best supporting actress award sa kanya form various award giving bodies.
Pero ang ikinaloloka ng marami ay ang pagsagot niya ng “NO” sa tanong kung willing ba siyang makatrabaho for a project ang isang “ex.”
Wala mang binanggit na name si Nadine pero ipinagpapalagay nga ng lahat na si James Reid umano ang nais nitong tukuyin, lalo’t may usaping “cheating” ang rason.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com