Monday , December 22 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga batang gustong mabisita at maglaro nang ligtas sa lugar.

Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ,kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ang pagbubukas para sa Play Park, na matatagpuan sa TLC Park sa C6/Laguna Lake Highway, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Kasama sa mga atraksiyon na mae-enjoy ng mga bata sa Play Park ang fish bone, giant slide, web climber, Eagle climber, Giraffe, Pirate ship, Play Mantis, musical instruments, seesaw play equipment, at spring  riders.

Magtatampok din ang parke ng mga interactive na installation at family-friendly na kagamitan na naglalayong isulong ang pagkamalikhain, pisikal na aktibidad, at mas matibay na ugnayan ng pamilya.

Ayon kay Mayor Lani, bilang isang lungsod na inuuna ang kalusugan at lakas ng kabataan, naniniwala sila na ang simpleng paglalaro ay may malaking papel sa paglikha ng isang mas masaya at malusog na komunidad para sa mga kabataang Taguigeño

Ito ang magiging pinakamalaking children’s park sa Taguig City na siguradong kagigiliwan ng mga kabataan. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …