Thursday , June 4 2026
Senate Senado

Wala nang plastikan
Cayetano aminado target liderato ng upper chamber

HINDI na makikipagplastikan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa usapin ng senate leadership dahil nais nilang maging mayorya ngunit wala silang sapat na bilang para mapunta sa kanila ang posisyon at hindi na rin bago ang isyu.

Aminado si Cayetano na sa tingin niya lahat ay nangangampanya imbes governing ang gawin.

Aniya, nanatiling haka-haka ang lahat hanggang walang nagaganap na sapat na bilang para palitan ang liderato ng senado.

Binigyang-linaw ni Cayetano na normal na mayroong mga taong masasaya o hindi masasaya ang ginagawa sa liderato ng senado.

Iginiit ng senador, ang kailangan ay 13 bilang ng boto upang makuha ang mayorya ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nila nakakamit.

Tinukoy ni Cayetano na normal na ang pag-uusap o konsultasyon sa bawat senador, miyembro man ng mayorya o minorya.

Pinaalalahanan niya ang lahat na ang kasalukuyang liderato ng senado ay pawang galing at miyembro ng dating minorya.

“We’re in the minority. So of course, we want to be in the majority. That was never a secret. Sila, they were in the minority, they got it from majority. But when they got there, everyone was happy giving them a try. They have their victories, they have their faults. But ‘yun nga, kung ako tatanungin mo, parang there’s a national campaign going on. It’s issues that are not gut issues. It’s the direction that’s important to ask the minority,” ani Cayetano. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …