REALITY BITES
ni Dominic Rea
SIMPLENG selebrasyon ng Pasko ang ginawa ng pamilya Ford. Nakahain ang simpleng pagkain at pamilya lang ang nasa bahay nina Karla Estrada at Daniel Padilla last December 24 para sa.
Kung dati’y siksik ang bahay nina Queen Mother at Teen King ng bisita a day before Christmas ngayo’y sila lamang pamilya ang magkakasama. Pandemic pa rin kasi kaya mas pinili umano ni Karla na mag-celebrate ng Christmas ng simple lamang.
Ani Karla, hindi na nilang ginawang bongga ang Christmas tulad ng mga nakaraang taon dahil mahalaga ang mahati-hati ang biyaya. Napakaraming kababayan din kasi natin ang naghihirap dagdag pa ang mga naapektuhan ng bagyong Odette kaya mas ginusto ng pamilya ni Karla na kahit paano’y makatulong.