Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fans ng JaDine sawa na? Ratings ng Till I Met You, sumadsad

HINDI lang namin maintindihan kung bakit napakababa ngayon ng ratings ng Till I Met You na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre sa Kapamilya Primetime. Hindi ko sinasabing super bagsak ang ratings kundi nasa level lang.

Ayon sa aming nakakausap, maaaring nagsawa na raw ang ilang fans ng dalawa dahil wala naman silang naramdamang kilig sa bagong serye ng mga ito.

Sabi pa ng iba, may sawa factor daw sa dalawa at ang ilan naman ay nagsabing parang hindi tanggap ng televiewers ang medyo tagilid na rivalry sa tatlong characters.

Unang-una, hindi babae ang involved sa third party ng istorya kundi isang pamintang durog na character na hindi siguro tanggap ng fans.

Actually maganda naman ang istorya nito, yun lang, may kuwadra kaya siguro ayaw ng  fans ng dalawa.

In fairness naman sa JaDine, sikat naman sila at pinaghirapan din naman nila ang estado ngayon ng kanilang loveteam.

Naku JaDine, woke-up dahil as of this time, mas mataas pa rin ang nakaraang ratings ng LizQuen sa kanilang serye compared sa ratings na natatanggap ninyo ngayon huh!

But wait, hindi naman kaya naging malaking epekto rin sa ratings ng Till I Met You ang pagmo-move-up ng kanilang timeslot dahil sa pagpasok na rin ng seryeng Magpahanggang Wakas nina Arci Muñoz at Jericho Rosales?

Well!!!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …