PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SPEAKING of Paolo Gumabao, hindi niya masasabi kung hanggang kailan siya magpapa-sexy sa movies.
Minsan na niyang nagawa ang magpakita ng ‘pag-aari’ na ipinagmalaki naman niyang pasado bilang “daks,” pero hanggang doon lang daw ‘yun.
“Pero ‘yung pagpapa-sexy o pagtanggap ng roles na need magpakita ng flesh, siguro hangga’t may magandang offer, matinong story at magaling na story at director, go pa rin ako?” wika ni Paolo.
Sa Taiwan nag-spend ng Christmas at New Year si Paolo kasama ang adopted father at lolo niya. Nag-gain siya ng weight dahil sa na-miss niya ang mga food sa Taiwan, pero nangako namang muling ibabalik ang mga pandesal sa kanyang katawan.
Sa Spring of Prague ay marami siyang masasayang experience habang ginagawa ito, pero pinaka-challenging sa kanya ‘yung mga todo-emote niya. Sa kuwento kasi ay sinundan niya mula sa Pilipinas hanggang Czech Republic ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Then sa gitna ng mga pinagdaanan ng kanilang love story ay mga eksenang todo-todo ang pag-iyak, confrontation at iba pa, habang tinitiis niya ang sobrang lamig ng spring weather.
“Nangangatal at nanginginig na ako sa lamig pero kailangang gawin ‘yung mga eksena. Pati nga si “junjun” naki-emote na sa sobrang lamig,” ang natatawa pa nitong kwento.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com