PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s Park sa Taguig Ciity para sa mga batang gustong mabisita at maglaro nang ligtas sa lugar.
Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ,kasama ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ang pagbubukas para sa Play Park, na matatagpuan sa TLC Park sa C6/Laguna Lake Highway, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
Kasama sa mga atraksiyon na mae-enjoy ng mga bata sa Play Park ang fish bone, giant slide, web climber, Eagle climber, Giraffe, Pirate ship, Play Mantis, musical instruments, seesaw play equipment, at spring riders.
Magtatampok din ang parke ng mga interactive na installation at family-friendly na kagamitan na naglalayong isulong ang pagkamalikhain, pisikal na aktibidad, at mas matibay na ugnayan ng pamilya.
Ayon kay Mayor Lani, bilang isang lungsod na inuuna ang kalusugan at lakas ng kabataan, naniniwala sila na ang simpleng paglalaro ay may malaking papel sa paglikha ng isang mas masaya at malusog na komunidad para sa mga kabataang Taguigeño
Ito ang magiging pinakamalaking children’s park sa Taguig City na siguradong kagigiliwan ng mga kabataan. (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com