PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos na 21st Gawad Tanglaw.
Muli kasing binigyan ng pagkilala ang Star for All Seasons ng mga akademisyan, propesor, at lupon ng mga patnugot ng educators’ based award-giving body, bilang kanilang 2025 Best Actress winner para sa film na Uninvited.
Dalawang grupo na ng mga educator (Gawad Pasado at Gawad Tanglaw) ang nagbigay parangal kay Ate Vi para sa naturang pelikula na entry last year sa MMFF, bukod pa sa FAMAS, Star Awards at ilan pang minor award-giving bodies.
Ito na bale ang ikalimang Best Actress plum ni ate Vi from Gawad Tanglaw since magsimula itong magbigay pagkilala noong 2002. Nakuha niya ito sa Dekada ’70 (2002), Mano Po lll My Love (2004), In My Life (2009), Ekstra The Bit Player (2013), at Uninvited (2025).
Bukod pa riyan ang mga special award na ipinagkaloob sa kanya ng Gawad Tanglaw gaya ng Natatanging Gawad Tanglaw (2004), Gawad Tanglaw Artista ng Dekada (2011), at Presidential Jury Award for Best Film Performances (for Dekad, In My Life, Ekstra, The Healing, at Everything About Her).
Indeed, si ate Vi na nga ang may hawak ng record sa Philippine Cinema bilang mayroong pinaka-maraming bilang ng Best Actress awards from both the major and minor award-giving bodies.
Isang record na mahirap lampasan o mapantayan man lang.
Congratulations ng bonggang-bongga ate Vi. Nag-iisa ka talaga!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com