Thursday , July 10 2025

Daniel madalas hanapan ng mali, pagsusuot ng Indian head dress binanatan

HATAWAN
ni Ed de Leon

BINABANATAN na naman nila si Daniel Padilla, nagsuot pa raw ng head dress ng mga Indian. Hindi raw ba niya alam na iyon ay kawalan ng paggalang sa kultura ng ibang tao? Para sa mga Indian, o sa mga unang Kano, ang pagsusuot ng ganoong head dress ay para lamang sa mga chief, sa mga pinuno ng lahi. Ni hindi pinapayagang magsuot ng ganoon ang karaniwang tao. Iyong karaniwan, isang hibla lang ng balahibong manok ang nasa ulo. 

Pero iyan ay tuntunin ng batas noong araw pa, wala nang bisa ang ganyang tuntunin sa ngayon, wala na namang mga Indian at kung mayroon pa ewan kung ipinatutupad pa nila ang kaugaliang iyon. Kung tutuusin, dapat magalit sila kay Columbos na tinawag ang Indians na mga native American. Kasi tanga pa sila noon, akala nila sa India sila nakarating.

Si Daniel naman ay isang artista at natural lamang sa mga artista ang nagsusuot ng costume. Isipin na lang ninyo, ang intensiyon ba ni Daniel nang isuot niya ang Indian head dress ay para isultuhin o maliitin ang mga katutubo ng America? Sigurado kami hindi naman. Kagaya rin dito sa atin, ibinebenta pa nga sa mga souvenir shops iyong bahag ng mga Igorot o iyong kris ng mga muslim. Hanggang sa internet ay may nagbebenta rin ng malong. Hindi ibig sabihin, kung binili mo at ginamit ang mga iyon ay kasiraan ng mga tribung iyon? 

Magpunta kayo sa Quiapo, nakasabit sa tabing kalye at ipinagbibili rin ang mga abaya, kung may bumili at magsuot hindi mo sasabihing mali iyon lalo na at wala namang katibayan na ginagamit nila iyon dahil sa mababang pagtingin sa mga lahing iyon. Kung noong araw iyan ginawa ni Daniel, tiyak na ang sasabihin pa nila cute iyon.

 Pero simula nang mabuwag iyong KathNiel, para bang si Daniel ang sinisisi nila sa mga nangyari, hindi nila siya mapatawad at lahat ng ginagawa niya ay hinahanapan na nila ng mali. Bakit si Daniel lang ang pinag-iinitan nila? Bakit hindi si Andrea Brillantes lalo pa nga’t nangyari ang hindi nila gusto dahil siya ang dumayo sa bahay ni Daniel, nalasing at doon naganap ang mali?

Pero sa parte ni Kathryn Bernardo, kahit na halatang pilit na pilit imina-match nila si Alden Richards. Dahil ba sa dikta ng mga kapitalista ng kanilang pelikula? Asahan ninyo iyan pagkatapos ng pelikula, wala na iyan at ili-link na naman sila sa kasunod nilang magiging kapareha.

Si Daniel ang dehado sa split. Kasi simula noon siya ang naba-bash, siya ang walang project, ngayon isinama siya sa isang serye bilang isa lamang sa maraming bida, siyempre kasi sasabihin nila wala nang KathNiel, at ang paniwala nila si Kathryn ang nagdala sa tambalan nila.

Bakit hindi ninyo isipin, ganoon ba kasikat si Kathryn noong ang katambal niya ay si Albie Casino? Sumikat lang naman siya ng todo noong panahon na ng KathNiel. Ibig sabihin, tanggapin man nila o hindi nabuhat din ni Daniel ang kanyang popularidad.

Kaya mali ang diskarte ng KathMiel na nagalit agad kay Daniel at pilit na naghahanap ng maili-link kay Kathryn. Ang dapat na diskarte nila riyan, hindi baleng split na sila, pero ituloy pa rin ang love team dahil iyon ang nagdadala ng kanilang popularidad. Ang mahalaga naman ay iyong kanilang status bilang mga artista eh, hindi iyong personal nilang buhay.

Iyan ang isa sa mga sikreto ni Vilma Santos, hindi niya pinaghahalo ang personal niyang buhay sa kanyang pagiging isang aktres. Iyong pagiging aktres niya, iba iyon. Iyon ang kanyang propesyon, kahit na sino man ang makasama niya sa pelikula at ma-link sa kanya. Aba eh trabaho niya iyon. Iyong mga maarte na, “ayokong makasama iyan dahil baka maapektuhan ang asawa ko,” iyong mga iyon ang lumulubog at mahirap nang iahon pa pagkatapos. 

Dapat ibahin ang personal na buhay sa propesyonal na pagsasama, dahil kung hindi magagawa iyon, bakit ka pa nag-artista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Mark Herras Lolit Solis 2

Mark binarag ng netizens, dumalaw sa lamay ng manager

MA at PAni Rommel Placente DUMALAW si Mark Herras noong Lunes ng gabi ng burol  ng dati …

Anjo Yllana Sheryl Cruz

Sheryl na-ghosting ni Anjo, sinampal ng pagkalakas-lakas

MA at PAni Rommel Placente DAHIL naunahan ng takot sa tito ni Sheryl Cruz, ang namayapang …

Mark Herras Lolit Solis

Mark iginiit mataas respeto sa dating manager, wala ring sama ng loob 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “NEVER akong nagtanim ng sama ng loob.” Ito ang tinuran ni Mark Herras nang …

Alfred Vargas

Alfred Valedictorian ng UP DURP, inialay sa manager na si Manay Lolit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INIALAY ni Alfred Vargas sa kanyang manager na si Lolit Solis ang pagtatapos sa University …

Kathryn Bernardo ABS-CBN Ball 2025

Kathryn pahinga pa rin ang puso, ayaw munang mainlab

REALITY BITESni Dominic Rea ANO nga ba ang totoo? Mukhang tahimik na ang tsismis patungkol …