Thursday , June 4 2026
Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star aasa sa tulong ni gay friend sa pagpasok sa politika

ni Ed de Leon

KAYA pala nag-file ng COC ang isang male star ang akala niya ay susuportahan siya ng kanyang gay friend na politiko rin sa kanyang ambisyon. Pero iba ang naging dating niyon sa politikong bading, ang naisip niyon kung tutulungan niya ang aktor at manalo iyon, baka kumalas na sa kanya, kaya hindi iyon tumulong at sinabi namang hindi niya gusto ang pagpasok ng aktor na boyfriend niya sa politika.

Medyo may duda na nga ang politikong bading sa male star simula nang kumabit din iyon sa isang female bold star. Hindi na kasi madalas na dumadalaw iyon sa kanya kagaya niyong kahihiwalay pa lang sa tunay na asawa.

Ngayon ewan kung saan kukuha ng suporta ang male star sa kanyang pagkandidato, kasi bukod naman sa politician, mga small time na bading lang ang ibang nasasamahan niya. Na hit and run lang ang relasyon sa kanya.

Kawawa namang male star, makakapag-kampanya ba siya kung panay ang pakikipag-date niya sa mga bading para makakuha ng pondo sa kampanya? Eh hindi naman siya sikat kaya hindi na siya makahihirit ng mataas na bayad, bukod sa hindi na siya bagets ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …