Saturday , May 18 2024
Donny Pangilinan Kathryn Bernardo

Donny gusto rin daw manligaw kay Kathryn

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO na namang tsismis iyan? Noong una raw ay nagbalak din si Donny Pangilinan na ligawan si Kathryn Bernardo. Lahat na lang sila ay gustong manligaw kay Kathryn, na natural lang naman, sikat siya eh. Isipin ninyo kung magiging syota ka nga naman o mali-link lamang sa isang itinuturing na superstar, dahil siyang may hawak ng record sa box office of all time, aba malaking boost iyon sa iyong career.  Isipin ninyo dahil lamang sa tsismis napag-usapan na naman si Donny.

Hindi na nga siya masyadong napapansin simula nang ma-reject ang pelikula niya sa 

Metro Manila Film Festival (MMFF) at nang ilabas sa sinehan pagkatapos ng festival ay naging isang flop. Ibig sabihin, wala pa ring dating ang ligaw-ligawan nila niyong Belle Mariano. Sa pra la la lang ng ABS-CBN sila malakas.

Natural hahanapan naman nila ng makabubuhat kay Donny at ano nga naman ang malay ninyo kung kagatin ng fans iyong sinasabing may gusto rin siya kay Kathryn. Para sa kanilang network, advantage iyon kaysa ang nali-link ngayon kay Kathryn ay si Alden Richards. Oo pagkakakitaan din nila ang pelikula niyong dalawa, pero si Alden ay hindi sa kanila. At malabo naman nilang makuha si Alden na papatol ba naman sa isang estasyong walang prangkisa?

Pero kung kami ang tatanungin huwag na nilang ipilit iyan. Halatang trying hard na eh. Pumirmi na lang iyang si Donny kay Belle, baka naman dumating ang ang isang araw maka-angat din sila. Hindi naman siguro masasabing sila ang tagapagmana nina Nori Dalisay at Boy Alano. Tigilan na si Kathryn, masyadong bantad na eh. Ang maliwanag ngayong nanliligaw daw kay Kathryn ay sina Alden at Jericho Rosales pero ang pamilya daw ng aktres ay tila mas pabor kay Alden. Mukha ngang mas pabor pa sila kay Alden kaysa ex ni Kathryn na si Daniel Padilla eh.

At saka bakit nga ba ngayon naglalabasan ang mga video na inaambaan pa ng suntok ni Daniel si Kathryn dahil sa seksing kasuotan? Mayroon pang tinabig niya ang kamay ng isang nakipagkamay kay Kathryn. May video pa na masama ang mukha niya nang mabanggit niyon ang pangalan ni Alden.

At marahil totoo nga na si Kathryn ang tumanggi noon sa sequel ng pelikula nila ni Alden, pero hindi kaya ginawa lang niya iyon dahil pinigilan siya ni Daniel? At saka ang pangit nga naman lalabas, magmumukhang insecure si Daniel kung siya mismo ang pipigil sa project.

About Ed de Leon

Check Also

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …