Wednesday , June 24 2026
Vice Ganda

Vice Ganda pinagtripan ng mag-asawa, wigalu honablot

REALITY BITES
ni Dominic Rea

HINATAK ang wigalung pula ni Vice Ganda habang umiikot ito sa audience sa naging concert nito sa Edmonton, Canada. Kitang-kita sa isang Tiktok video na biglang hinatak ang wigalu ni Vice. Kitang-kita rin ang pagkabigla ng komedyanteng host at kaagad nitong binalingan ng tingin ang isang lalaki at sinabihan itong rude.

Sabi ng lalaking kaharap ni Vice, girlfriend niya umano ang humatak sa wigalu niya at sinabihan niya ulit itong they’re both rude.

Actually, pinagtripan ang wigalu ni Vice at tila may galit sa kanya ang naturang couple huh! Mukhang imbiyerna raw si Vice pero kailangan pa rin nitong ituloy ang kanyang number at pagbibigay-saya sa mga taong nagbayad para makita siya at mapanood.

Mga tao talaga noh! Buti na lang at sa Canada nangyari ‘yun, dahil kung dito, naku, baka umiral ang pagka-maton ni Vice at hindi lang payo ang inabot ng couple na ‘yun.

Mabait pa rin si Vice! Ipinakita niya pa ring sa ganoong sitwasyon ay puwedeng diplomasya sa salita ang kanyang pairalin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …