Monday , December 5 2022
Barbie Forteza Dennis Trillo Julie Anne San Jose

Barbie magaling sa  Rizal, pwede nang ilaban sa mas matured role

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATURAL, ipinagmamalaki na naman ngayon ng network na ang serye nina Barbie Forteza at Dennis Trillo ay nakapag-rehistro ng ratings na mas mataas pa sa 15% audience share, samantalang ang kalaban niyon ay hindi halos nakalipad at nanatili sa mababang ratings kahit na inilalabas pa sa dalawang estasyon.

Expected naman iyan. Maglagay ka nga ng replay ng lumang teleserye riyan mataas pa rin ang ratings kaysa kalaban eh, kasi ang power ng estasyon nila ay 150kw, at may mahigit na 50 relay stations sila sa buong Pilipinas. Ikukompara mo naman sa dalawang estasyon nga na ang power naman ay 50kw, iyong isa may nag-iisang relay station sa Palawan pa. Iyong isa naman sampu ang relay stations, eh ano ang ilalaban niyon? Wala namang naniniwala sa audience sa social media, hindi kasali sa ratings iyan. Kahit na isali mo pa ang cable, ilan lang naman ang nakakabit sa cable sa labas ng Metro Manila, kaya wala rin iyan.

Pero in fairness ha, nagustuhan namin ang performance ni Barbie bilang iyong character na nakapasok sa nobela ni Rizal. Hindi na cute si Barbie, umaarte na siyang talaga. Ibig sabihin, puwede na talaga siyang ilaban sa mga mas matured role. Dapat mas marami na siyang makuhang assignment sa ngayon.

Ang problema lang naman ng maraming talents diyan sa Kamuning ngayon, mukhang mas nabibigyan ng priority ang mga nagtalunan mula sa Mother Ignacia. Kung iisipin mo, mas dapat priority nila ang

mga lehitimong talents nila, pero mukhang hindi yata ganoon ang nangyayari.

About Ed de Leon

Check Also

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na …

Alice Dixson

Alice na-bash nang kinulayan ng honey blonde ang buhok  

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa pagpapakulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair, bina-bash siya. …

Paolo Contis Yen Santos

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang …

Jessy Mendiola

Jessy nalulungkot ‘pag nakikitang lumalaki ang katawan

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni Jessy Mendiola na noong mga unang buwan ng kanyang pagdadalang-tao …

Mayor & Co

Mayor & Co suportado ang OPM songs

MATABILni John Fontanilla MAY bagong duo na tiyak mamahalin at susuportahan ng mga Pinoy na …