Saturday , July 27 2024
MTRCB
MTRCB

Sa paggawa ng pornograpiya
‘PINAS KA-LEVEL NA NG JAPAN, SK, CHINA

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATURAL umaangal ang mga gumagawa ng mga pelikulang soft porn na ipinalalabas sa video streaming sa panukala ni MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chairperson Lala Sotto, na palawakin ang mandato nila para masakop ang video streaming. Iyang video streaming na karamihan sa mga palabas ay sex movies, at gay sex movies din, ay nagiging accessible maging sa mga menor de edad at iyan ay hindi maganda para sa ating mga kabataan.

Walang batas iyan. Ang nilalagyan lang ng classification ng MTRCB ay ang inilalabas sa mga sinehan at legal na video. Iyang streaming nakalulusot at kahit na anong kalaswaan ang gawin, lusot.

Hindi pinansin iyan noong panahon ng pandemya, kasi wala namang sinehan. Pero ngayon, may mga producer na gumagawa pa rin ng porno kahit na may kakayahang gumawa ng legal na pelikula. Mas malaking tax din ang nakukuha ng gobyerno sa mga sinehan kaysa  video streaming.

At ito pa ang isa. Sa buong mundo, ang sinasabing gumagawa ng mga pornographic films na malakihan ay ang US, Holland, at Britanya. Rito sa Asya ang gumagawa ng maraming pornographic films ay Japan, South Korea, at China. Pero ngayon sinasabing humahabol na ang industriya ng pornograpiya ng Pilipinas, lalo na ang mga pelikulang pambakla o gay films. May mga buwan na sinasabing tinatalo na natin sa dami ng nagagawang porno ang South Korea at China.

Tanggap ba natin na ang tingin sa atin ay manggagawa na lang ng porno ganoong noong araw tayo ang nangunguna sa paggawa ng mahuhusay na pelikula sa buong Asya?

About Ed de Leon

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …