Saturday , September 23 2023
Kim chiu Xian lim

Kimxi movie na pang-festival tauhin kaya?

HATAWAN
ni Ed de Leon

ABA tingnan ninyo, nakatalon na pala si Kim Chiu sa Viva at ang balita ngayon pagtatambalin sila ng boyfriend niyang si Xian Lim sa isang pelikulang isasali raw sa festival. Ibig sabihin, balak nilang maipalabas iyon sa sine. Noong 2015, nagkaroon na rin ng pelikula sa festival iyang sina Kim at Xian at hindi lang sila ang mga artista sa pelikulang iyon, pero hindi nakaabante iyon sa top grosser noon. Mahina ang pelikula.

Comedy iyan eh, at noon bang 2015 uubra kang sabayan sina Vic Sotto at Aiai delas Alas?

Ang tanungan ngayon, ano raw kaya ang magiging chances ng pelikula ni Kim at Xian sa festival, lalo na’t bihira pa ang nanonood ng sine, at hindi nga maikakaila na naging “nega” rin si Kim dahil sa mga pinagsasabi niya noong nakaraang eleksiyon?

Unang-una, siguro naman, wala sa ambisyon ng Viva na magiging top grosser sa Metro Manila Film Festivaliyang pelikula ng KimXi. Pero isang katotohanan na makagagawa sila ng pelikula na hindi masyadong malaki ang gastos, tiyak na hindi magkakaroon ng problema sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board), at baka dahil sa kawalan din ng ibang producers ay makapasok nga sila sa festival, at tiyak iba ang dating nila sa mga indie na isasali na rin para makabuo ng walong pelikula man lang.

Palagay namin kahit paano, alam naman ninyo sa ganyang panahon may extrang pera ang mga tao, huwag lang tayong halukayin ulit ng Covid, o magkaroon nga ng food shortage na ipinapanakot sa atin ngayon ng “lords of importation.” May manonood naman siguro sa kanila. Ang mabigat lang, mahigit na 400 na ngayon ang bayad sa sine. May magbayad kaya ng mahigit na 400 para sa isang Kim-Xian movie? Siguro naman mayroon dahil may mga fan pa rin sila. Ang tanong nga lang ay ilan kaya iyon? Malay ninyo suportahan naman si Kim ng mga “kaibigan niya” at saka maaari namang

ipa-photoshoppe ang pila sa mga sinehan para magmukhang marami hindi ba?

About Ed de Leon

Check Also

ER Ejercito si Barbie Forteza Nora Aunor Vilma Santos David Licauco

ER Ejercito ikinompara si Barbie kina Nora at Vilma

RATED Rni Rommel Gonzales Para kay ER Ejercito si Barbie Forteza ang next Nora Aunor o Vilma Santos. Ayon pa rin sa …

David Licauco

David may dahilan ang pagiging suplado at isnabero

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni David Licauco sa 24 Oras, nagpaliwanag siya kung bakit may …

Joey Reyes Vice Ganda Ion Perez

Direk Joey sa kaso nina Vice-Ion: it’s an overreaction

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng pahayag at reaksiyon si Direk Joey Reyes kaugnay sa paratang …

Chloe Jenna Shiela Snow Aaron Villaflor Jeffrey Hidalgo

Chloe at Shiela baguhang may ibubuga sa akting

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MGA baguhan kapwa sina Chloe Jenna at Shiela Snow pero agad napansin ang galing …

Arjo Atayde  Asian Content Awards

Arjo Atayde Best Lead Actor nominee sa Asian Content Awards

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKAKUHA ng nominasyon si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor para sa Cattleya Killer, ang collaboration …