Friday , January 21 2022
Terrence Romeo Beatrice Pia White

Terrence Romeo unfair na makaladkad sa kaso ng dating asawang si White

HATAWAN
ni Ed de Leon

EWAN kung bakit pinalalabas pang animo blind item ang pagkaka-aresto sa isang Beatrice Pia White at ang isa pang umano ay kasabwat niyang kinilala naman si Efcel Reyes, matapos na umano ay tangkain pa nilang hingan ng P80K ang may-ari ng isang kotse na kanilang nirentahan bago nila isauli. Nahuli sila matapos na maikasa ang entrapment operations ng HPG, dahil sinasabing may ilan pa silang nabiktima.

Lumabas na ang pangalan ni White, pati ang kanyang mugshot matapos na maaresto ng HPG, pero bagama’t binabanggit, hindi nila madiretso kung sino ang sinasabi nilang asawa ni White na isang sikat na PBA Player.

Hindi rin nga namin alam kung dapat bang sabihin na siya ay asawa ng PBA player dahil may nabalita rin na sila ay matagal nang hiwalay at nag-file na ng divorce. Si White ay sinasabing isang businesswoman mula sa Cebu na tinawag din niyong “mystery woman” nang magpakasal sa isang cager na mas bata kaysa kanya. Ang sikat na cager ay involved din noon sa isang kilalang TV personality. Hindi nga rin nagtagal ang kanilang halos inilihim na kasal noon.

Bago nagpakasal si White sa kilalang basketball player, may nauna na rin siyang pinakasalan, pero hiwalay din siya sa naunang asawa. Sa pag-aresto sa kanya, kabilang sa bintang ang mga kasong estafa, paggamit ng mga fake na pangalan, at technical carnapping.

Marami rin umanong mga taga-showbiz na biktima rin ni White.

Sa kanyang parte naman ay tahimik lang at walang statement ang cager na si Terrence Romeo na sinasabing asawa ni White bagama’t matagal na rin daw nagkahiwalay ang dalawa.

Hintayin na lang natin ang magiging development ng mga kasong iyan, pero sa tingin namin ay unfair naman kung patuloy na makakaladkad ang pangalan ni Terrence sa kasong iyan lalo na at sinasabing matagal na rin naman silang hiwalay.

Ang dapat pag-usapan diyan ay iyong kaso na lang.

About Ed de Leon

Check Also

Miguel Tanfelix puring-puri ang kahusayan sa MPK

RATED Rni Rommel Gonzales MULING ipinamalas ni Miguel Tanfelix ang kanyang husay sa pag-arte bilang si Diego …

Perci Intalan Gameboys The Movie

Direk Perci nanghihinayang screening ng Gameboys The Movie sa Japan ‘di mapupuntahan

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga HINAYANG na hinayang si Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company, producer ng hit film …

Alden Richards ForwARd Meet Richard R Faulkerson Jr

2 scholar ni Alden nakapagtapos na sa kolehiyo

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYANG-MASAYA si Alden Richards mula nang nalaman niyang dalawa na sa kanyang mga …

Sheryl Cruz

Sheryl mukhang kaedaran lang ng mga Primadonnas

MATABILni John Fontanilla FRESH na fresh at mukhang batambata si Sheryl Cruz habang nagti-Tiktok kasama sina Althea Ablan at Sofia Pablo ng Primadonnas …

FDCP Film Talks Batangas Forum Doon Po Sa Amin Pride

Batangas forum at FDCP nagdaos ng filmmaking workshop series para sa mga Batangueño

MULA sa Batangas Forum for Good Governance and Development Association, Inc. (BF), sa tulong ng Film Development Council of …