Saturday , May 21 2022
Elisse Joson, McCoy de Leon, McLisse

McCoy at Elisse kailangan ng magpakasal para sa kanilang anak

HATAWAN
ni Ed de Leon

IKINASAL na nga raw ba sina McCoy de Leon at Elisse Joson?

Kasi ang sabi nila ang tawag ni McCoy sa kanyang partner ay “asawa ko.” Kailangan ba ang kasal para tawagin niyang “asawa ko” si Elisse?

Hindi naman eh, sa showbiz nga maririnig mo ang mga bading na ang tawag din sa lalaki nila ay “asawa ko,” pero wala namang kasal ng dalawang lalaki sa Pilipinas.

Hindi man sila mag-asawang legal, na kung sabihin nga sa legal ay “de jure,” dahil sa katotohanang sila ay nagsasama, may anak at wala naman hadlang sa kanilang pagiging mag-asawa, “de facto” ay mag-asawa sila hanggang sa magkaroon ng kuwestiyong legal sa kanilang pagsasama.

Salita lang iyang “asawa ko,” pero dapat talaga magpakasal na sila ng legal dahil may anak na sila eh. Kailangang patunayan nila na kaya nila, at responsable silang magulang ng anak nila.

Totohanin na nila dapat ang pag-aasawa, ano man ang maging epekto sa kanilang career.

About Ed de Leon

Check Also

Marian Rivera Dingdong Dantes

Sitcom nina Dingdong at Marian pinasadsad ang katapat na show

RATED Rni Rommel Gonzales MULING pinatunayan ng Kapuso power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na sila …

Binondo Intramuros bridge

Binondo-Intramuros bridge panalo sa ganda

I-FLEXni Jun Nardo WINNER ng bagong Binondo-Intramuros bridge na nagkaroon ng inagurasyon nitong nakaraang araw. …

Kylie Padilla Bolera

Kylie Padilla balik-acting via Bolera

I-FLEXni Jun Nardo PERFECT timing ang world premiere ng bagong Kapuso series na Bolera ni Kylie Padilla. Kasi nga, naiproklama …

GMA7 ABS-CBN

Pangunguna ng GMA walang duda (sarado na kasi ang ABS-CBN)

HATAWANni Ed de Leon PAULIT-ULIT na ipinagmamalaki ng GMA 7 na sa ngayon sila ang nangungunang estasyon …

Martin Nievera

Smile ni Martin makabuluhan ang lyrics

HATAWANni Ed de Leon MATAPOS ang mahabang panahon ng pananahimik dahil sa pandemya, finally may …