Wednesday , July 17 2024
Mike Hanopol, Lito Camo, Manny Pacquiao
Mike Hanopol, Lito Camo, Manny Pacquiao

Lito Camo inako ang pagkakautang ni Pacman kay Mike Hanopol

HATAWAN
ni Ed de Leon

MABUTI naman at naayos na ang paniningil ni Mike Hanopol kay Senador Manny Pacquiao. Ang akusasyon ni Mike, pinagawa raw siya ni Pacman ng tatlong kanta. Matapos iyon pinuntahan daw niya sa senado si Pacman. Ang tagal daw nilang pumila at ang tagal naghintay.
Nagutom siya dahil sa tagal ng paghihintay, tapos hindi binayaran ang kanyang tatlong kanta. Eh ang pera niya sapat lang na pambayad sa driver niya noong araw na iyon. Masama talaga ang loob niya. Ang tingin naman namin doon wala silang usapan na babayaran ang kanyang ginawang kanta noong araw na iyon. At alam naman ninyo, kahit na sinong senador, lalo na at may sesyon napakahirap na makausap sa senado. Bukod kasi sa kanilang trabaho, napakarami ring mga taong gustong makasingit para makausap sila, o makahingi ng tulong. Kaya diyan sa senado, kailangan ang prior appointment.

Pero ngayon, inako ng composer na si Lito Camo ang paniningil ng kantang ginawa ni Hanopol kay Pacman. Baka nga kasi hindi pa nakararating kay Pacman ang ginawa niyang kanta.

About Ed de Leon

Check Also

Maris Racal Anthony Jennings

Maris sa loveteam nila ni Anthony na MaTho n— Sana magbunga pa, grabe ang pangarap namin

PROUD na proud si Maris Racal sa karakter na ginampanan niya sa Can’t Buy Me Love. Si Irene …

Jess Martinez Wilma Doesnt Noreen Divina

Jess Martinez mukha ng Skinlandia

RATED Rni Rommel Gonzales GUMAGANAP bilang si Diwata sa Abot Kamay na Pangarap ang magandang female star …

Itan Rosales

Itan Rosales pang-matinee idol ang dating

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio GWAPO, malakas ang dating at pwedeng-pwedeng maging matinee idol. Siya …

Willie Revillame Coco Martin Julia Montes 

Willie ibinuking relasyong Coco at Julia 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HALATANG walang malisyang nabitawan ni Willie Revillame ang ukol sa sinasabi ng …

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *