Sunday , October 24 2021
Jaycee Parker, Jericho Aguas, Isabel Granada, Arnel Cowley
Jaycee Parker, Jericho Aguas, Isabel Granada, Arnel Cowley

Isabel naungkat sa interbyu ni Jaycee

HATAWAN
ni Ed de Leon


HINDI rin namin maintindihan kung bakit nga ba from out of the blue, biglang napag-usapan na naman ang nananahimik nang si Isabel Granada at ang nangyaring kaguluhan sa love life niya noon. Open naman sila na hindi naging maganda ang pagsasama nila ng kanyang naunang asawang si Jericho Aguas. Nakakuha sila ng annulment ng kanilang kasal, nagkaroon ng affair at nang malaunan ay nag-asawa si Jericho gayundin si Isabel. Pero dahil nanahimik sila sa issue, wala na ngang umungkat niyon.

Noong mamatay si Isabel, nakiramay naman si Jericho at wala namang naging problema sa legal na asawa ni Isabel na si Arnel Cowley.

Hanggang nitong isang araw, lumitaw ang dating Hotbabes na si Jaycee Parker na nagkuwento naman kung paano nagsimula ang love affair nila ni Jericho. Wala naman siyang sinasabing masama laban kay Isabel pero may nag-react na isang dating kaibigan ni Isabel na may inilabas na ibang kuwento na sinasabi niyang siyang totoo at hindi ang kuwento ni Jaycee. Pero kung kami lang ang tatanungin, huwag na nating buksan ang issue alang-alang kay Isabel at sa kanyang naiwang anak.

About Ed de Leon

Check Also

Hipon Girl nagpabaha ng luha sa MPK

TOTOHANAN ang naging pag-iyak ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa ilang eksena niya sa brand …

Kim sobrang nalungkot sa pagyao ng manager

NAGLULUKSA ngayon si Kim Rodriguez sa pagyao ng kanyang manager at tumatayong pangalawang ina, si …

Joey binanatan ang mga nagkakalat ng fakenews: Si Tito ang iboboto ko!

ALIW talaga magbasa sa mga opinyon ng Poet Niyo na si Joey de Leon. Ang …

Katotohanan sa hiwalayang Aljur at Kylie lalabas din

AND Aljur Abrenica breaks his silence. Sa pinag-uusapang hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla. …

Madam Inutz, Daisy Lopez, Wilbert Tolentino

Madam Inutz umaariba ang career

SUPER bongga ang career ni Madam Inutz (Daisy Lopez) o ang tinaguriang mama-bentang live seller …

Leave a Reply