Saturday , May 3 2025
NTC

NTC biktima ng mahinang internet connection

HINDI nakaligtas maging ang telecommunications regulator mula sa mahinang internet connection, nang hindi makadalo sa pagdinig ng Senate Basic Education Committee ang National Telecommunications Commission (NTC).

 

Ito sana ang panahon kung saan tatalakayin sa pagdinig ang alternative learning schemes sa ilalim ng new normal gaya ng distance at online learning.

 

Mababatid na tinawagan ni Senator Francis Tolentino si NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios para dumalo sa virtual hearing ngunit hindi siya nakontak.

 

Sa ikalawang pagkakataon ay sinubukan ni Senate Basic Education Committee Chairman Win Gatchalian na tanungin ang NTC, ngunit hindi rin ito narinig ng kabilang linya.

 

Dahil dito, sinabi ni Gatchalian na dahil sa naturang insidente ay tila nawawalan siya ng pag-asa sa online learning na mangyayari sa bansa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Makato Aklan

Barangay leaders sa Aklan naghain ng DQ vs vote buying

DALAWANG barangay captain mula Makato, Aklan ang naghain ng petition for disqualification sa Commission on …

3-araw Graffiti Mural Arts Festival tagumpay sa Taguig

3-araw ‘Graffiti Mural Arts Festival’ tagumpay sa Taguig

MATAGUMPAY na nairaos ng lungsod ng Taguig ang ikatlong taon ng Meeting of Styles (MOS) …

050125 Hataw Frontpage

Cagayan De Oro Mayor Klarex Uy kinuwestiyon sa P330-M cash advances

HATAW News Team ‘UNDER HOT WATER’ si Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy matapos ireklamo …

Bong Revilla

Bong Revilla nakipamuhay sa Mindanao panalo tiniyak sa makasaysayang baluwarte

SA LOOB ng dalawang linggo bago ang midterm elections ngayong Mayo 2025, muling pinatunayan ni …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong muling sinusuportahan si Bam Aquino, pinuri integridad at track record

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAHAYAG ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kanyang suporta sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *