HULING termino na pala bilang gobernadora ng Batangas ni Ms Vilma Santos-Recto at hanggang ngayon ay wala pa siyang sinasabi kung tutuloy siya sa kongreso o sa senado.
At ang malakas na ugong ay babalik sa pagka-Mayor sa bayan ng Lipa si Ate Vi.
Ito ang tsika sa amin ng kaibigang taga-Lipa kamakailan.
“Gustong-gusto siya ng mga taga-Lipa, sa lahat kasi ng naging mayor, si Ate Vi ang may maraming nagawa, may pinakamagandang nagawa sa probinsiya namin. Sobrang hands on siya sa lahat ng project, nakikita nga namin siya sa kalye,” kuwento sa amin ng kababayan ni Governor Vilma.
Tanda namin noong nabubuhay pa ang assistant ni Ate Vi na si Ate Aida Fandialan ay isa kami sa nakasamang mag-interbyu sa Star for All Seasons at natanong namin noon kung anong plano niya sa 2016.
Wala pa raw plano si Ate Vi dahil ang prioridad niya ay tapusin ang ikatlong termino bilang gobernadora ng Batangas.
At ngayong patapos na ang termino ni Governor Vilma, ano na kaya ang plano niya?
ni Reggee Bonoan