ITATAMPOK muli ng Puregold ang talentong Pinoy kaugnay ng pangakong kumonekta sa kabataang Filipino, sa mga nagmamahal sa musika, at mga araw-araw na nangangarap at nakikita ang musika bilang ritmo ng buhay. Nagbabalik ang Nasa Atin Ang Panalona mas pinalaki at pinabongga.
May mga bagong miyembro dagdag sa pamilya ng Puregold, tatlo sa mga pinakamaingay na pangalan sa lokal na industriya ng musika—G22, Skusta Clee, at KAIA—handog ang kanilang tinig, pagsusumikap at lakas, at ang kanilang kuwentong panalo.
Kilala bilang alpha females ng P-Pop, pinabibilib ng G22 ang mga tagapanood sa boses nilang malakas ang dating, at hindi-mapapantayang enerhiya. Mula sa kanilang debut noong 2022, nakapaglabas na sina AJ, Alfea, at Jaz ng mga hit gaya ng Bang, Boomerang, Limitless—at ang pinakabago, Pa-Pa-Pa-Palaban.
Inilabas ng G22’s ang music video na kolaborasyon nito kasama ang Puregold, ang Pagpili noong April 9, at mabilis itong nakalikom ng higit tatlong milyong view sa loob lamang ng dalawang linggo. Ang makapangyarihang mensahe ng kanta ay paalala sa lahat na pumili nang buong tapang at ipagmalaki ang napili.
Samantala, naglabas naman ng kantang Sari-Saring Kwento si Skusta Clee, isa sa pinakaimpluwensyal na pangalan sa Pinoy hip-hop, kasama ang talentadong rapper ding si Flow G. Tampok sa kanta ang matatalas na mga linya at mensaheng tiyak tatama sa mga Filipinong tagapakinig.
Kasama rin sa Nasa Atin Ang Panalo ang KAIA, isang P-Pop group na kilala sa kanilang mga visual at nakai-inspire na mga kanta. Ilalabas nina Angela, Charice, Alexa, Sophia, at Charlotte ang kanilang Kaya Mo music video sa Hunyo 12, sa Araw ng Kalayaan, para ipagdiwang ang kalayaan at tatag ng mga Filipina.
“Nagbago na rin ang ‘Nasa Atin Ang Panalo’ at nagkaroon ng mas malaking kahulugan higit sa isang kampanya—isa itong pagdiriwang ng mga pangarap at talento ng mga Filipino,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold. “Sa pamamagitan nito, umaasa kaming maibibida ang mga artistang Pinoy at mahikayat ang mga miyembro at tumatangkilik ng Puregold na mangarap pa habang nakikita ang musikang panalo sa entablado.”
Subalit paparating pa lamang ang pinakamalaking selebrasyon.
Dapat nang markahan ng mga nagmamahal sa musika at mga mamimili ng Puregold ang Hulyo 5, 2025 sa kanilang mga kalendaryo, ang araw na titingkad ang Philippine Arena dahil sa Puregold OPMCON 2025. Mapapanood dito ang pagtatanghal ng mga musikerong katambal ng Puregold—SB19, BINI, G22, KAIA, Skusta Clee, Flow G, at Sunkissed Lola. Ito na ang pinakamalaking kaganapan sa OPM ngayong taon, isang gabi ng musika at talentong Pinoy.
Abangan ang unang pagbebenta ng tiket sa Mayo 16 at 17 sa Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention sa World Trade Center sa Pasay City.