Sunday , December 22 2024

Sports

Space Needle nagpakitang gilas

Nagpakitang gilas muli ng isang panalo ang kabayong si Space Needle na sinakyan ni Jeffril Zarate sa isang 3YO Handicap Race (4-5) na grupo nung isang gabi sa pista ng San Lazaro. Sa largahan ay nauna sa lundagan sina Jeff, subalit biglaang umarangkada sa may tabing balya ang kalaban nilang si Sky Dancer ni Pati Dilema. Sa pagkakataong iyan ay …

Read More »

INIHAYAG ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico na bukas na ang tatlong araw na paligsahan ng 2016 Ayala-Philippine National Open Invitational Athletics Championships sa simpleng seremonya sa PhilSports sa Pasig City. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

2016 Ayala Philippine National Open Invitational Athletics Championships

MAHIGIT 1,000 atleta, kabilang ang ilang dayuhang man-lalaro, ang lalahok sa gaganaping Ayala Philippine National Open Invitational Athletics Championships sa PhilSports Arena (dating ULTRA) sa Pasig City simula ngayon hanggang sa Sabado, Abril 9, 2016. Inorganisa ng Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA) sa ilalim ng pamumuno ni Philip Ella Juico, sina-sabing kakaiba ngayon ay isasagawang edisyon ng …

Read More »

RoS vs Globalport

SISIKAPIN ng NLEX at Rain or Shine na selyuhan na ang quarterfinals berths sa pagtutuos nila ng magkahiwalay na kalaban sa PBA Commissioner’s Cup mamayang hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Maghaharap ang Road Warriors at magbabawing San Miguel Beer sa ganap na 4:15 pm samantalang makakatagpo ng Elasto Painters ang naghihingalong Globalport sa 7 pm main game. …

Read More »

Café France kontra Phoenix-FEU

KOKOMPLETUHIN ng Phoenix Accelerators ang Cinderella Finish sa pagkikita nila ng Cafe France sa Game Two ng best-of-three finals ng PBA D-League Aspirants Cup mamayang 12 ng tanghali sa Filoil Flying V Arena sa San Juan. Napanalunan ng Phoenix ang Game One, 82-78 noong Huwebes at kung makakaulit ito mamaya ay tuluyan na nitong maiuuwi ang korona. Ang Phoenix ay …

Read More »

NAGPUMIGLAS si Reil Cervantes ng Blackwater Elite para makawala sa  mahigpit na depensa nina Cliff Hodge at Cris Newsome ng Meralco Bolts. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Ginebra dapat sigurado ang tapak para makaakyat

KAHIT pa papalit-palit ng coaches ang Barangay Ginerba ay very consistent naman ang koponang ito sa pagpasok ng playoffs. Hindi natsutsugi ng maaga ang Gin Kings at laging nakararating sa susunod na round matapos ang eliminations. Kumbaga’y kahit na sinong coach ang pahawakin sa koponang ito ay walang problema ang elimination round. Hindi sila tulad ng ibang koponan na minsan …

Read More »

Subido humakot ng medalya (Paralympics)

Humarbes sina national differently-abled athletes Ronald Subido at Arman Dino ng gold medals sa katatapos na 5th PSC-PhilSpada National Paralympic Games 2016 sa Markina City Sports Center. Nilangoy ni Subido ang swimming men’s S9 50-meter at 100m freestyle gold medals para idagdag sa naunang golds nito sa 400 free at 100 butterfly events ng palaro. “Hindi ko akalaing magiging atleta …

Read More »

Big Guns gitgitan sa LBC Ronda

PUKPUKAN ang Navy-Standard Insurance at MVP Sports Foundation pagsipa ng Luzon Leg, LBC Ronda Pilipinas 2016 umpisa sa Paseo de Sta. Rosa at matatapos sa tuktok ng Baguio City sa Abril 9. Ipagyayabang ng Navy team sina Visayas Leg champion Ronald Oranza, Mindanao Leg winner Jan Paul Morales at Visayas Leg’s second placer Rudy Roque para makamit ang asam na …

Read More »

UMATAKE sa basket si Japeth Aguilar ng Ginebra sabay iwas sa depensa ni Rome dela Rosa ng Alaska. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Low Profile nag-ehersisyo lang

Nag-ehersisyo lang ang kabayong si Low Profile na nirendahan ni Mark Angelo Alvarez nung isang araw sa pista ng Sta. Ana Park at nakapagtala pa ng magandang tiyempo na 1:12.8 (25’-22’-24’) para sa 1,200 meters na distansiya. Ayon sa ating bubwit ay kinakailangan pa rin na magbatak ni Low Profile kahit pa medyo lamang siya sa malaking pakarera na pinaghahandaan …

Read More »

Ray Parks kuminang sa NBA D-League

Sumiklab si former National University Bulldogs star Bobby “Ray Ray” Parks Jr.sa NBA D-League matapos tumikada ng 16 points para akbayan ang Texas Legends sa 139-109 panalo kontra Oklahoma City Blue sa Dr. Pepper Arena sa Frisco, USA. May follow-up stats pa si Fil-Am guard at two-time UAAP Most Valuable Player Parks ng four rebounds at tig tatlong assists at …

Read More »

Huling laban ni PacMan panonoorin ng mundo

LAS VEGAS—Sa pag-akyat ni  eight-division world boxing champion Manny Pacquiao sa ibabaw ng lona na maaaring huling pakikihamok na niya sa larangan, inaasahang buong mundo muli ang umaabang lalo na ng mga Pinoy. Ang  Pambansang Kamao ay haharapin si Timothy Bradley sa ikatlong pagkakataon sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas. Ang  Filipino sports icon  ay magreretiro na …

Read More »

Quarterfinals lumalabo sa Star

MEDYO masikip na ang daan tungo sa quarterfinals para sa Star Hotshots Ito ay matapos na makalasap ng back-to-back na kabiguan ang Hotshots at bumagsak sa 4-6 record. Sayang! Kasi, bago ang mga kabiguang iyon ay nakapagrehistro ng tatlong sunud-sunod na tagumpay ang Star. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon sa career ni Jason Webb bilang coach sa PBA na nagkaroon siya  …

Read More »

Puwede pang lumaban si Manny

PAGKATAPOS ng laban ni Manny Pacquiao laban kay Tim Bradley sa April 9—magreretiro na nga ba siya? Iyon ang sabi ni Pacman.   Magsasabit na nga siya ng glab pagkatapos ng laban kay Bradley, manalo’t matalo. At sa napipintong pagreretiro ni Manny isa si Bob Arum ng top Rank ang tipong humihirit pa.   Aniya, hindi pa laos ang Pambansang Kamao para …

Read More »

Phoenix-FEU kontra Café France

MATAPOS na makumpleto ang pagwalis sa magkahiwalay na kalaban sa semis, sisimulan ng Cafe France at Phoenix Petroleum ang best-of-three serye para sa kampeonato ng PBA D-League Aspirants Cup mamayang hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Halos parehas ang laban ng Bakers at Fuel Accelerators na naghahangad na makauna agad sa Game One na magsisimula sa ganap na …

Read More »

Villanueva binitbit ang OLLTC sa MBL

Umangas si Ivan Villanueva upang itaguyod ang Our Lady of Lourdes Technological College sa 107-91 panalo kontra Macway Travel Club sa 2016 MBL Open basketball championship sa Rizal Coliseum. Rumatsada si 6-foot-3 Villanueva ng 34 puntos para pantayan ang dating single-game high ni  Mel Mabigat ng Jamfy-Secret Spices laban sa OLLTC-Takeshi nung nakalipas na linggo. Nagpakitang gilas si Villanueva sa …

Read More »

Guanzon nanguna sa OPBF convention

DUMATING ang mga boxing officials mula sa ibang bansa para daluhan ang gaganaping 54th Oriental and Pacific Boxing Federation 2016 Convention sa Negros, Occidental Bacold City. Mga promoters, managers, referees at trainers na galing sa mga bansang miyembro ng OPBF ang humangos dito sa Pilipinas para pag-usapan ang gagawing revision ng ilan sa provisions ng rules and regulations ng OPBF. …

Read More »

Dapat maging versatile si Maliksi

MUST-WIN  ang Star Hotshots sa kanilang huling dalawang laro upang makarating sa quarterfinal round ng PBA Commissioner’s Cup. Ito ay matapos na matalo sila sa San Miguel Beer noong Linggo at bumagsak sa 4-5 record. Ang problema ay baka makulangan ng isang napakahalagang piyesa ang Hotshots sa kanilang huling dalawang laro. Ang piyesa ay ang two-time Most Valuable Player na …

Read More »

Walang atrasan na para sa mga Pinoy boxer (Sa Asia-Oceania Tournament)

GUTOM na gutom sa panalo ang 6 na Pinoy boxer na lalahok simula ngayong Marso 23 sa Asia-Oceania Olympic Qualifying Tournament sa Qian’-An, China para makuwalipika sa Rio Olympics. Iniayag ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) executive director Ed Picson ang  line-up na kinabibilangan nina Rogen Ladon (light flyweight, 49 kg.) Roldan Boncales (flyweight, 52 kg.), Mario …

Read More »

PSL All-Star squad tumikim ng panalo

NAKATIKIM ng panalo ang Petron-Philippine Superliga All-Star squad matapos tambangan ang Hong Kong, 25-22, 25-15, 25-20, sa Thai-Denmark Super League sa Bangkok. Friendly match na lang ang naging laban ng Filipinas dahil tanggal na sila sa nasabing torneo. Luhod ang Petron-PSL team sa four sets sa Bangkok Glass, lupaypay din sa tatlong sets sa Idea Khonkaen at muli ay dapa …

Read More »

Takbo saludo sa mga bayani

MULING raragasa ang pinakamahaba’t matandang, hindi pang-kumpetisyong, salit-salitang takbuhang tumatahak sa nakalululang ruta ng 1942 Death March Trail, na sumasaludo sa mga Bayani ng Bataan. nang walang butaw o registration fee sa darating na Abril 8 at 9, 2016. Katatapos lang noon ng EDSA People Power Revolution, na nagpabagsak sa Diktaduryang Marcos,  nang simulan noong Abril 8 at 9, 1986 …

Read More »

Lakan punong-puno pa

Hugandong nagwagi ang kabayong si Gentle Strength na pinatnubayan ng hineteng si Unoh Basco Hernandez sa naganap na 2016 “PHILRACOM Summer Racing Festival” nitong nagdaang weekend sa pista ng San Lazaro. Naorasan ang nasabing laban ng 1:33.0 (18’-25-24-25’) sa distansiyang 1,500 meters. Simpleng ehersisyo naman ang pagkapanalo ni Dixie Gold na nirendahan ni Oniel Cortez na tumapos sa tiyempong 1:21.2 …

Read More »

Sobrang init ng panahon at ang Aldub ng District 3

ANG SOBRANG init ng panahon dulot ng El Nino phenomenon ang labis na pinangangambahan ng mga horse owners ngayon. Nais nilang dalhin muna sa kanilang farms sa Batangas o ibakasyon muna at hindi patakbuhin sa mga karera ang kanilang mga kabayo dahil nga sa sobrang init na nararamdaman ng mga ito. Nag-iisip ngayon ang mga horse owners kung saan magandang …

Read More »

Cavs pinaulanan ng tres ang Clippers

NAGPAULAN ng three-pointers ang Cleveland Cavaliers upang kalampagin ang Los Angeles Clippers, 114-90 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season. Nagbaon ng 27 points, anim na rebounds at limang assists kasama ang three-of-four sa tres si basketball superstar LeBron James para tulungang ilista ang three-game winning streak ng Eastern Conference defending champion Cleveland at itarak ang 47-18 win-loss …

Read More »