Saturday , March 25 2023
Chess

PH Men’s chessers wagi sa 8th round (43rd Chess Olympiad)

NAGPASIKLAB ang RP men’s team nitong Martes mata­pos matalo ang  women’s team sa eight round ng 43rd Chess Olympiad na ginaganap sa Sports Place sa Batumi, Georgia.

Pinangunahan ni Grandmaster Julio Cata­lino Sadorra (Elo 2553), binasura ng 54th seed Filipino squad ang 67th seed Uruguay,3-1, para mapagtakpan  ang 1.5-2.5 pagkatalo ng 43rd seed women’s team sa kamay ng 30th seed Argentina.

Tangan ang dis­advantageous black pieces ay giniba ni Sadorra si Grandmaster Andres Rodriguez Vila (2477) sa 42 moves ng Philidors defense sa board one ha­bang angat naman si Inter­national Master Haridas Pascua (2435), tangan ang white side kay Fide Master Rafael Muniz (2248) sa 29 moves ng King’s Indian defense sa board four.

Nakihati naman ng puntos si Grandmaster John Paul Gomez (2464), tangan ang white pieces kontra kay Fide Master Nicolas Lopez Azambuja (2322) sa 61 moves ng Catalan Opening sa board two maging si Inter­national Master Jan Em­manuel Garcia (2439), tangan ang black side ay nakipag- draw  kay Inter­national Master Luis Ernesto Rodi (2308) sa 60 moves ng Giuco Piano Opening sa board three.

Ang kanilang limang panalo kontra sa tatlong talo ay nagpagana  sa men’s team  sa pagsalo sa 33th hanggang 54th places sa185 entries sa Open section.

Kabaligtaran naman ang naganap sa women’s squad na bagamat nag­wagi si Woman Inter­national Master Marie Antoinette San Diego (2102) sa laban niya kay Woman International Master Ayelen Martinez habang tabla naman si Woman International Master Bernadette Galas (2080) kay Woman Inter­national Master Marisa Zuriel (2186), ay  napako sa nine points tungo sa pagkahulog at pagsalo sa 45th hanggang 63th places sa 151-team field.

Ito ay matapos mabi­go sina Woman Grand­master Janelle Mae Frayna (2287) at Woman Inter­national Master Catherine Perena-Secopito (2157), kontra kina International Master Carolina Lujan (2350) at Woman Inter­national Master Maria Florencia Fernandez (2219) ayon sa pagka­kasunod.

Makakalaban ng Fili­pinos sa susunod na round ang 95th seed Zam­bia, 4-0, winner sa 109th seed Jamaica.

Habang ang country’s female squad na ang team captain ay si Grandmaster Jayson Gonzales ay makakasagupa ang 77th seed South Korea na galing sa kabiguan sa 35th seed Slovenia, 1.5-2.5.

Nakaungos naman ang top seed at defending champion na the United States sa pagbasura sa fourth seed Azerbaijan, 2.5-1.5, tungo sa total output  15 points at masik­wat ang leadership board sa men’s division na may tatlong round pang nalalabi.

Itinala nina World Championships challenger Grandmaster Fabiano Caruana (2827) at Grand­master Samuel Shankland (2722) ang crucial wins sa United States sa boards one at four habang nag-ambag naman ng draw si Grandmaster Hikaru Nakamura (2763) sa board three.

Nalasap naman ni Filipino Grandmaster Wesley So (2776) ang unang talo  kay  Azer­baijan Grandmaster Tei­mour Radjabov (2751) sa 46 moves ng Queen’s Gambit Declined.

Bagama’t nabigo ang Bacoor, Cavite native So ay siya pa rin ang best performer na may 6.0 points sa eight games mula­ five wins, two draws at one loss sa board two. (Marlon Bernar­dino)

About Marlon Bernardino

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply