Sunday , June 23 2024
Chess FIDE Online Rapid World Cup
Chess FIDE Online Rapid World Cup

Arca, Buto hataw sa FIDE Online Rapid World Cup

HUMATAW   ng magkahiwalay na panalo sina National Masters Christian Gian Karlo Tade-Arca at Al Basher Buto ng Pilipinas para malakas na simulant   ang pagbubukas ng kampanya sa FIDE Online Rapid World Cup Cadets & Youth – Open 12 and under virtually na humahataw  sa Tornelo Platform.

Si Arca, ang pinakabatang online Arena Grandmaster (AGM) sa Pilipinas mula Panabo City, Davao del Norte  ay tinalo  si Prasanna Lokesh Chandankhede ng Ghana sa unang  round at giniba si Nikoloz Kachakhidze ng Georgia sa second round,  samantalang si Buto ay tinibag si Alessandro Jair Cardenas Huachaca ng Peru  at Chenwu Zhu ng Netherlands.

Natalo naman si  National Master Ivan Travis Cu laban kay no.3 seed Edgar Mamedov ng Kazakhstan sa second round, pagkatapos niyang  talunin  si Gerelmaa Chuluunbaatar  ng Mongolia sa opening round.

Samantala, nakapagtipon si National Master Oshrie Jhames Constantino Reyes ng 6.5 puntos sa kabuuang 10 rounds na may 6 panalo, 3 talo at isang draw para pumuwesto ng 3th sa kabuuang 227 partisipante na nagmula sa iba’t ibang bansa sa Open 10 and under.

Ang iba pang atletang Pinoy na lumahok ay sina Christian Tolosa, Phil Martin Casiguran, Mary Joy Tan, Woman Candidate Master Alexandra Sydney Paez, at Marphine Faith Mangubat.

(MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

2nd Gov Henry S Oaminal chessfest

2nd Gov. Henry S. Oaminal chessfest sumusulong na

Clarin, Misamis Occidental — Susubukan muli ng mga nangungunang manlalaro ng chess ng bansa ang …

Eric Buhain Chito Rivera Jamesray Mishael Ajido

PAI National Age-Group Championships sisimulan sa pagpupugay kay Rivera

NAKATAKDANG lumarga ngayong araw, Biyernes, 21 Hunyo, ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) 1st National Age …

VINNY Marcos Volleyball FIVB men’s worlds

Vinny Marcos nanguna sa ceremonial launch ng 2025 FIVB men’s worlds

IPINAKITA ng anak ng Pangulo na si William Vincent “Vinny” Araneta Marcos ang pagmamalaki at …

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

PASAY CITY – Bumangon ang Brazil mula sa first-set loss para talunin ang Netherlands sa …

Team Seirin JCI Senate Lipa Open Rapid chess

Team Seirin dinala ni Cu sa tagumpay

Lipa City, Batangas — Nanguna ang Team Seirin sa open division ng JCI Senate Lipa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *