Monday , October 25 2021
CJ Perez Robert Bolick San Beda Lyceum NCAA
CJ Perez Robert Bolick San Beda Lyceum NCAA

Red Lions, Pirates lalong bumangis

NAGPAKITA ng bangis ang defending champion San Beda University Red Lions at Lyceum of the Philip­pines Pirates matapos magtala ng magkahiwalay na panalo sa simula ng second round ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan City.

Wala pa rin dungis ang karta ng last year’s runner-up Pirates, kinaldag nila ang San Sebastian College, 88-70 sa unang sultada habang sinakmal ng Red Lions ang 73-45 panalo kontra Jose rizal University sa pangalawang laro upang tumibay ang kapit sa second spot ng team standings.

Kumayod si reigning Most Valuable Player, (MVP) CJ Perez, nakipagtulungan sa magkapatid na sina Jaycee at Jayvee Marcelino upang akbayan ang Pirates sa panalo at ilista ang 10-0 record.

Tumikada si Perez ng 21 puntos, siyam na rebounds at limang steals habang bumakas sina Jaycee at Jayvee ng 17 at 14 markers ayon sa pagka­kasunod para sa Intramuros-based squad Lyceum.

“Big win for us because before this game, we reminded ourselves that this team is playing like a Final Four team even though they’re at 10th,” hayag ni LPU coach Topex Robinson.

Kumana si Michael Calisaan ng 17 puntos  at 11 rebounds para sa Gol­­den Stags na nalasap ang pang-siyam na talo sa 10 laro.

Samantala, namuno sa opensa para sa Red Lions si skipper Robert Bolick, tumarak ng 14 markers para ipinta ang 9-1 card.

May 2-8 baraha ang Heavy Bombers na pinamunuan ni Jed Men­doza matapos tumipa ng 13 puntos.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Anthony Davis, Dwight Howard, LA Lakers, NBA

Howard umaming nakabulyawan si AD

NAGING malaking balita sa social media ang naging sigawan nina Anthony Davis at Dwight Howard sa …

Vietnam SEA Games

Vietnam SEA Games tuloy sa Mayo 2022

PAGKARAANG ma-postponed ang Vietnam SEA Games na mangya­yari sana mula 21 Nobyem­bre hanggang 2 Disyembre ng  …

James Yap, CoC, San Juan, Francis Zamora

James sinabon agad ng netizens (Sa pag-file pa lang ng COC)

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE, ngayong Oktubre 5 pa lang magpa-file ng Certificate of Candidacy …

Bayanihan Chess Club

Suelo tinalo si Young sa Balinas Jr., Chess Challenge

GINIBA ni Fide Master Robert Suelo, Jr., si International Master Angelo Young, 7-3, para masungkit  ang …

Anthony Joshua, Oleksandr Usyk, Roy Jones Jr

Jones Jr., desmayado sa taktikang ginamit ni Joshua kontra Usyk

NAPAHAYAG ng komento si Roy Jones, Jr., sa pagkatalo ni Anthony Joshua kay Oleksandr Usyk noong …

Leave a Reply